FAYE POV Ngayong araw, 4 am pa lamang ay bumangon na ako. Bagamat gusto pa ng katawan ko na humiga sa aking malambot na kama, kailangan ko nang magising para naman makapag almusal ako sa hospital. Paglabas ko sa sala ay madilim pa. Tamang tama lang pala ang gising ko kasi walang tao dito. Tulog na tulog pa si mama at ang lasingero kong step dad. Kaya naman nagmadali na akong magkape at pagkatapos ay bumalik ako sa aking kwarto para maligo at magbihis. Wala pang 30 minutes ay lumabas na kaagad ako at dahan dahang naglakad paalis. Bago ako pumasok sa hospital, kumain muna ako. Kaunti lamang ang mga tao dito sa loob at karamihan sa kanila ay mga pasyente. Mabuti na lang din at wala dito si Joshua at ang kanyang Fiancé. Muli ko tuloy naalala yung friend request na sinend niya sa akin ni

