FAYE POV Himala, talagang nag chat itong si mama sa akin. Kung dati ay wala siyang pakialam sa akin, ngayon naman akala mo ay nawawala akong bata. "Sino palang nag chat sayo? Sorry, I am not trying to gossip but I can see the worry on your face," saad niya pa. I smiled, "Wala 'yun, nanay ko lang na very typical na nag aalala." "Oh I see, pero kung pinapauwi ka na niya, ihahatid na lang kita. Tutal ako naman ang naka abala sayo eh." "Hindi ayos lang naman sa akin. Actually, kahit 10 na ako uuwi kasi ayaw ko rin naman siyang makita. Galit ako sa kanya," naiinis na sabi ko. Sigurado akong kaya niya ako pinapauwi ay dahil sa nasa bahay si Justin. He really does not know when to give up. Talagang sobrang persistent niya kahit na mayroon na siyang nililigawang ibang babae. "Pwede ko b

