FAYE POV Kinabukasan, 5 am pa lang ng umaga ay umalis na ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami ayos ni mama. At hindi ako ang unang magso sorry kasi siya naman ang may mali dito. Ako tahimik na nagtatrabaho pero siya naman ay tamang hinala. Masakit lang din sa akin na pinaghinalaan niya ako. Never ko nga in expect na maririnig ko yun sa kanya. Napapatanong tuloy ako kung anak niya ba talaga ako? O baka naman talagang binago lamang siya ng lasingero niyang asawa? Nilalason na siguro ang isipan niya. Sana talaga ay matauhan na siya at iwan na ang lalaking ito. At para lang sa kaalama niya, wala akong ibang choice kung di ang Hindi ko naman siya pinagbabawalan na magkaroon ng syota pero sana naman ay mamili siya ng taong makakasama niya. Habang naghihintay naman ako ng jeep, b

