Nang makatakas ako sa kanila, wala akong ibang pupuntahan kundi kay Mikael. Pinaliko ko ang sasakyan patungo sa heavens bar, medyo malayo pa ang location ng bar niya kaya sa bahay na lang niya ako didiretso. Nag drive ako pa Quezon City, hindi ko kasi matawagan at hindi ko alam kong nasaan ang cellphone ko. Two hours ang tinagal ng byahe po bago ako makarating sa bahay ni Mikael. Pinasok ko ang sasakyan sa Amaya Subdivision at pinapasok naman ako ng guard at hindi na rin niya ako inusisa. Medyo, kilala na rin kasi niya ako at madalas naman akong nagpupunta dito. Pagdating ko sa labas ng bahay ni Mikael nag doorbell lang ako at maya maya lang rin lumabas na ito. Nagulat pa nga siya ng makita ako. "Bro, anong nangyari sayo? Bakit hindi ka namin nakita sa loob?" tanong niya. "Mamaya ko na

