HANNAH Nasa labas ako ng bahay at kasalukuyang nagpapahangin na rin ng dumating si Summer Rain para asarin lang ako.. "Besh, ang tahimik mo. Iniisip mo pa rin ba ang pagkamatay ng asawa mo?" tanong nito sa akin. "Oo, besh! Hindi ko pa rin kasi matanggap na ganon lang sa isang iglap mamatay siya. Imposible naman yata 'yon. Ni bangkay nga niya hindi ipinakita sa akin. Haixt! "Besh, hwag ka ng mag-isip makakasama yan sa dinadala mo. Hindi mo ba alam na maselan ang ganyang stage, bawal kang ma stress no. Sige ka, papangit ka niyan." biro nito, akala niya yata nakikipag biruan ako sa kan'ya. "Hmm! Ewan ko sayo, dyan ka na nga." ani ko. "Hmmm! Kita mo 'to iniwan ako." inis na wika nito sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin pa at pumasok na rin ako sa loob. Sariwa pa sa ala-ala ko an

