"Alam mo ba besh, kong nandito lang asawa mo. Alam kong matutuwa siya na magkakababy na kayo.." wika ni Summer Rain kaya hindi ko tuloy maiwasang maiyak sa sinabi niya. Totoo naman kasi talaga 'yon, gustong gusto ng asawa ko na magka anak ulit kami kaya miski ako ay nang hihinayang na hindi niya man lang nakita ang ipinag bubuntis ko ngayon. Heto na yata ang kapalaran ko ang palaging mag buntis na walang katuwang sa buhay. "Pero, besh kahit wala na siya dito sa mundo. Alam kong binabantayan ka ng asawa mo." dagdag pa nito. "Haixt! Besh, sana lang dumalaw muna siya sa panaginip ng anak niya at namimiss na siya ni Harold." nalulungkot na wika ko kay Summer Rain. "Hwag ka ng malungkot besh, makakasama yan sa dinadala mo." "Hindi naman kas maiiwasan besh, sobrang matagal rin kahit papaa

