DRAKE Ginabi na kami ng matapos sa inuman nila Joevani at Mikael, mga walang hiya 'yon nilasing talaga ako ng sobra. Kaya hindi na ako nakauwi ng bahay at nakatulog na ako sa VIP room ng bar. Nagising ako mag-uumaga na at napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nag drive ako pabalik ng Mansyon at mukha ng asawa ko na galit ang nabungaran ko sa pagpasok ng kwarto naming mag-asawa. Nagtanong pa ito sa akin kong anong problema ko kaso antok na antok talaga ako kaya sumalampak ako sa kama at natulog. Nagising ako na sobrang masakit ang ulo ko mukhang naparami talaga ang inom ko. Hindi ako tinigilan nila Joevani at Mikael hangganh 'di nila ako nalalasing ng sobra. Kahit na masakit ang ulo ko, pinilit kong bumangon at hanapin ang asawa ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ng anak na

