Natapos na lang kaming mag dinner ng anak kong si Harold hindi pa rin umuuwi ang asawa ko at nag-aalala na rin ako kong saan ba siya nagpunta. Wala kasi itong paalam at basta na lang umalis kaya naiinis na rin talaga ko. Lumipas pa ang isang oras bago ito umuwi. Hindi ko alam kong ano ba ang ire-react ko sa pag uwi ng umaga na. Naiinis talaga ako na ganyan siya hindi niya man lang ako sinabihan kong nasaan siya o kong uuwi ba siya. Nang lalapit siya sa akin bigla akong umiwas. "Hon!" Hindi ko siya pinansin at naglakad ako patungo sa kwarto namin. Ni-lock ko agad ang pintuan at hindi ko siya pinagbubuksan kahit anong katok niya. Pinakita ko ditong naiinis talaga ako sa ginawa niya. Anong akala niya hindi ako magagalit. Sino bang hindi magagalit kong bigla na lang aalis ito ng hindi man

