Chapter 42 Jennifer Lumipas sa mga buwan nagpatuloy ako sa trabaho. Nagpatuloy ako sa trabaho, nakatanggap ng bagong project sa logistics department, at kahit papaano, nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Dumadalaw pa rin ako kay Lolo Gorio tuwing weekend. Sa tuwing nando’n ako, pakiramdam ko normal lang ang lahat. Walang sakit, walang tunggalian, walang mga utos na pumupunit sa konsensiya ko. Pero ang katahimikan ko ay hindi katahimikan para kay Papa. Paulit-ulit niya akong tinatawagan, minsan tatahimik ng ilang linggo, pero laging babalik sa parehong tanong: “Ginawa mo na ba ang ipinag-uutos ko?” At paulit-ulit ko rin siyang sinasagot ng “Hindi ko kaya.” Hanggang sa isang gabi, habang pauwi ako galing opisina, tumawag na naman siya. Hindi ko na sana sasagutin, pero hindi tumigil

