Chapter 41 Jennifer Pagkagaling ko sa coffee shop, agad akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa condo. Tahimik lang akong nakaupo sa likod ng sasakyan habang binabaybay namin ang pamilyar na kalsada. Dati, excited akong umuwi—lalo na kapag may maganda akong balita o bagong kwento. Pero ngayon, parang wala akong ganang kahit sa sarili kong espasyo. Nang makarating ako sa unit, ini-unlock ko ang pinto at dumiretso sa sofa. Hindi ko na binuksan ang ilaw. Umupo lang ako, tinanggal ang heels at sumandal. Ramdam ko pa rin sa katawan ang lamig ng aircon mula sa coffee shop—pero ang mas ramdam ko ay ang malamig na katotohanan na nakita ko kanina. Si Crystal. At si Reynold. Magkasama. Masaya. Kumpleto pa kasama ang tatlong bata na halatang mahal na mahal siya. Ang cute ng mga anak nila. Nakaka

