KABANATA 55 Jennifer Malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sa inis… o sa init na iniwan ng bigat ng katawan ni William sa ibabaw ko kanina. O ang paglapat ng aming mga labi. Para bang hanggang ngayon, naroon pa rin siya—nakadagan, humahabol ng hininga, at sinusunog ang bawat pulgada ng balat ko. Pero ngayon, narito ako sa pintuan. Mariin ang kapit ng mga kamay ko sa malamig na seradura. “Lolo Gorio!” tawag ko, paulit-ulit na kumakatok. Mabilis. Sunod-sunod. “Lolo, buksan n’yo po ito!” Nakayuko ako habang pinipilit pigilan ang panginginig ng tuhod ko. Naririnig ko pa rin ang malakas na tawa niya kanina, parang nanunukso, parang may ibig ipahiwatig na ayaw kong intindihin. Walang tugon. Pinilit kong pihitin ulit ang seradura, pero mahigpit pa rin ito

