Epidode 5

2382 Words
Chapter 5 Jennifer Pagkalabas ko sa unit ni William, hindi ko na napigilang mapatakbo. Nagmamadali akong bumaba ng gusali habang pinipigil ang pag-iyak, pero habang papalayo ako nang papalayo, pakiramdam ko’y unti-unting nalalaglag ang mundo ko. Tumigil ako sa gilid ng kalsada, pinilit kumalma habang nanginginig ang mga daliri ko sa lamig ng gabi—o marahil sa bigat ng mga salitang sinabi niya. Hindi ako iniyakan ni William ngayong gabi. Hindi siya nagsumamo. Hindi niya ako niyakap. Hindi niya ako hinabol. At ‘yon ang pinakamasakit sa lahat—ang makita siyang gano’n: matatag, galit, at wasak, pero hindi na ako bahagi ng bagyong binubuo ng emosyon niya. Umuwi ako. Tahimik kong binuksan ang pinto ng condo unit ko. Walang tao sa paligid. Tahimik ang loob ng condo, pero sa loob ko, ang ingay ng puso ko’y halos sumigaw. Pagkasara ng pinto, tuluyan na akong bumigay. Bumagsak ako sa sahig, tinakpan ng dalawang kamay ang mukha ko, at humagulgol nang walang pakialam kung may makarinig man. Ilang taon kong pinilit maging matatag, pero ngayong muli ko siyang nakita, lahat ng itinayong pader ay gumuho. Masakit. Masakit makita siyang gano’n. Masakit na marinig ang mga salitang buong-buo niyang binitiwan, punong-puno ng hinanakit. At mas masakit dahil alam kong lahat ng iyon ay totoo. Lahat ng sakit niya ay ako ang dahilan. "William..." bulong ko habang umiiyak. "Patawad..." Hindi sapat ang mga salitang ‘yon. Alam ko. Hindi ko kayang pagaanin ang lahat sa simpleng “sorry.” Pero wala na akong ibang hawak. Wala akong kahit anong maibibigay para burahin ang mga sugat na iniwan ko sa kanya. Niyakap ko ang sarili ko. Parang ‘yon lang ang kaya kong gawin para hindi tuluyang mabasag. Ang dibdib ko, parang binibiyak mula sa loob. Bawat hikbi ko, katumbas ng mga panahong pinilit kong wag siyang balikan. Ngayon, nasa harapan ko siya. Buhay, totoo, galit. At hindi na ako handa para roon. Tumayo ako, pilit na itinayo ang sarili kong halos di makalakad. Pumunta ako sa silid ko. Pagpasok ko, ni hindi ko na nabuksan ang ilaw. Sa dilim ko hinubad ang jacket ko, ibinagsak sa kama, at saka muling napaupo sa sahig. Umiiyak pa rin ako. Hindi dahil gusto ko ng awa. Umiiyak ako dahil ngayon ko lang tunay na naramdaman kung gaano kabigat ang naging desisyon ko. Dahil sa unang pagkakataon, nakita ko ulit si William—ang lalaking minahal ko, at nilayoan ko para sa sarili kong dahilan. Pero ngayon, wala na akong takas. Hindi ko na puwedeng idahilan ang panahon. Hindi ko na puwedeng takasan ang mga mata niya. Nakita ko na ang resulta ng lahat ng pananahimik ko. Galit siya. Sugatan. At ako? Ako ang dahilan ng lahat ng ‘yon. Gusto kong sumigaw. Gusto kong kalmutin ang sarili kong balat para lang matakpan ang sakit na nararamdaman ko sa loob. Hindi ko siya kayang sisihin. Hindi ko rin alam kung paano ko uumpisahan ang pagpapaliwanag. Kung may karapatan pa ba akong gawin ‘yon. Kung may puwang pa ba akong magsalita. Naglakad ako papunta sa bintana. Binuksan ko ito. Hinayaang pumasok ang malamig na hangin. Tumingala ako sa langit na punô ng bituin, pero kahit ganoon kaganda ang gabi, wala pa ring liwanag sa loob ko. Napaupo ako sa gilid ng kama. Hinayaan kong dumaloy ang luha sa pisngi ko. Wala na akong lakas para pigilan pa. At sa gabing ito, wala akong ibang kasama kundi ang mga tanong na hindi ko pa rin masagot. Bakit ngayon pa kami nagkita? Bakit hindi ko kayang ngumiti sa harap niya? Bakit hindi ko kayang sabihin ang buong katotohanan? At bakit... bakit hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya? Nasa kama pa rin ako, yakap-yakap ang unan, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Aira. Napakagat-labi ako. Si Aira, ang matalik kong kaibigan mula pa noong elementarya. Isa siya sa mga taong hindi kailanman nawala sa tabi ko, kahit pa ilang ulit akong piniling manahimik o umiwas sa mundo. Sinagot ko ang tawag, pinilit na maging mahinahon ang boses ko. “Hello…” mahina kong bati. “Jen! Finally, nasagot mo rin. Akala ko talaga e dedma ka na sa last bonding natin,” masiglang boses ni Aira sa kabilang linya, pero dama ko ang lungkot sa tono niya. Napangiti ako, kahit basang-basa pa ng luha ang mga mata ko. “Sorry, Aira. Naabutan mo lang ako sa... medyo magulong timing.” “Ayae ko ng drama ngayon, ha?” sabay tawa niya, pero may bahid ng lambing. “Puwede ba tayong magkita? Gusto kitang makita bago ako umalis.” “Umalis?” napaangat ang kilay ko, napaupo nang diretso sa kama. “Saan ka pupunta?” “Canada. Next week na ‘yung flight ko. Kasama ko si Daddy. Doon na kami maninirahan. At saka doon ko na rin ipagpapatuloy ‘yong career ko bilang interior designer.” Napanganga ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Matagal na naming pangarap ni Aira ang makaalis, pero hindi ko inasahang ito na pala ‘yong sandaling magpapaalam siya. Dati sabi ko mag-iikot ako sa ibang bansa. Mag-aaral ako ng mabuti para sa huli matupad ko ang mga pangarap ko. Sana ang Canada sa pangarap namin ni Aira. Noong bata pa ako, buhay pa si Mama. Gusto ko makatakas kaming tatlo sa maruming pamumuhay na pinapakain sa amin ni Papa. Gusto ko yumaman, para sabi ko hindi na kailangan ni Papa mangancho ng mga tao. Ayaw ko sa illegal na mga gawain niya. Sabi ko noon kapag ayaw niyang magbago, kaming tatlo na lang nila katrina at ni mama. Walang araw na hindi kami mapagalitan ni Katrina. Walang araw na walang latay ang mga katawan namin. Hanggang sa nagkasakit si Mama at nawalan ito ng buhay. Nang mawala si Mama. Ipinangako ko na ako mag-aalaga kay Katrina. Na itatakas ko siya sa mundo ni Papa. Pero lumaki lang ako, sunod-sunuran pa rin sa gusto ni Papa. Tumikhim muna ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko saka ko sinagot si Aira. “Wow… Aira, ang bilis naman,” wika ko, halos hindi makapaniwala. “Hindi ko na kasi sinabi agad kasi baka mapag-isipan mo na iniiwan din kita. Pero gusto ko talaga tayong magkita bago ako tuluyang lumipad. Gusto ko, kahit isang gabi lang, maibalik natin ‘yung dati. Walang lungkot. Walang mabigat.” Tumango ako kahit hindi niya kita. “Sige. Kailan mo gusto?” “Ngayon na? Coffee lang, kahit sa dati nating tambayan.” Napatingin ako sa relo. Alas siyete pa lang ng umaga. “Sige. Bibihis lang ako.” “Yay! Okay, kita tayo sa Moonlight Café. Iyong usual spot natin. Miss na miss kita, Jennifer.” “Miss din kita, Aira.” Pagkaputol ng tawag, napatingin ako sa salamin. Sira-sira pa ang itsura ko—gulo ang buhok, mapula ang mata. Pero para kay Aira, babangon ako. Kahit isang gabi lang, gusto kong maging ako ulit. Gusto kong maalala na may mga panahon akong masaya. Na may kaibigan akong hindi ako iniwan. Kahit minsan sumasabi sa isip ko si Allysa. Pero masaya ako dahil masaya siya sa pamilya niya na binuo. Kahit na hindi na kaibigan ang turing niya sa akin, ayos lang. Ang mahalaga masaya siya. Minsan tinuri kong kapatid si Allysa. Naalala ko noon hahahawa ako sa kamalditahn niya. Minsan sinusundan ko na lang ang kagagahan niya. Close na close kami na parang magkapatid kahit hindi pa kami noon ni Liam. Si Aira, naman nung nag-aaral kami ng college iba naman ang kinuha niyang kurso. Kaya madalas noon kami ni Allysa ang magkasama. Pagdating ko sa Moonlight Café, agad kong nakita si Aira sa paborito naming table sa likod—malapit sa glass wall, tanaw ang ilaw ng siyudad. Suot niya ang puting blouse at cream trousers, malinis ang ayos, eleganteng simple. Pero higit sa lahat, ang ngiti niya, iyon ang walang nagbago. “Jen!” sabay tayo niya at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap ako pabalik, mahigpit rin, parang ilang taon kaming ‘di nagkita. “Ang payat mo ngayon, ‘no,” biro niya. “Pagod lang. Ikaw naman, blooming. Bagay sa’yo ang saya,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Eh kasi excited na ako. Imagine, Canada. Tapos may mga clients na rin ako ro’n. Interior design projects, plus may nag-open pa ng doors para sa fashion line—children’s wear. Nakakatuwa lang, hindi ko ‘yon in-expect.” Napangiti ako. “Dati pinipilit pa kitang mag-drawing ng damit-damitan natin sa notebook.” “‘Tapos ikaw ang taga-approve kung ‘pang Miss Universe’ ba o ‘pang perya,’” sabay tawa niya. “Ngayon, actual clothing na for kids. Ang saya lang.” Tumahimik kami saglit. Uminom ako ng kape, saka siya muling nagsalita. “Alam mo, Jen… bago ako umalis, gusto ko lang sabihin na hindi man natin napagdaanan ang parehong landas, ikaw pa rin ang una kong kaibigan. At kahit anong mangyari, hindi ko kinakalimutan ang mga panahong tayong dalawa lang ang magkakampi sa mundo.” Ngumiti ako. “Ako rin. Salamat kasi hindi ka umalis kahit ako mismo ang lumayo.” Huminga siya nang malalim. “Sana lang… sana kapag dumating na rin ‘yung lalaking mamahalin ko, hindi ako matulad sa’yo.” Napatigil ako. “Huwag kang magalit, ha?” dagdag niya agad. “Hindi ko sinasabi ‘yon para saktan ka. Ang ibig kong sabihin… sana hindi ko maranasan ‘yung sakit na na pinadaanan mo. Kasi alam kong mahal mo siya. Alam kong hindi ka basta-basta nagmamahal.” Tumango ako, pilit. Ang tinutukoy niya si William. “Hindi ako galit. Naiintindihan ko,” sagot ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Mahal ka pa rin niya, Jen? Balita ko dumating raw siya." Napayuko ako. Umiling-iling “Hindi na siguro nasaktan ko siya nang sobra.” “Pero mahal mo pa rin siya?” Tumulo ang luha ko, kahit pigil. “Oo.” Tumango si Aira, pero bakas ang lungkot sa mga mata niya. “Magkaiba tayo ng daan, pero pareho tayong nangangarap ng tahimik na buhay. Sana lang, sa pag-alis ko, dalhin mo rin sa puso mo na kahit ilang beses ka mang mabigo, may mga tao pa ring pipiliin kang mahalin, Jen. Kahit anong mangyari.” Napahagulgol ako. Sa gitna ng café, sa tabi ng matalik kong kaibigan, sa gabing puno ng liwanag sa labas pero madilim pa rin sa loob ko. Niyakap niya ako. At sa gabing iyon, kahit hindi ko alam kung kailan pa kami magkikita ni Aira ulit, sigurado ako sa isang bagay, may isang kaibigan akong hindi ako iniwan. Pagbitaw ko sa yakap, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Tumawa siya ng bahagya, parang gusto niyang pakalmahin ang bigat ng usapan. “Alam mo, Jen, ilang beses ko ring iniyakan ang mga lalaking hindi naman ako sineryoso. Pero tuwing naiisip kita, sinasabi ko sa sarili ko, ‘Si Jennifer nga, buong puso ang ibinigay tapos iniwan lang. Pero ayun, buhay pa rin.’ Kaya sabi ko sa sarili ko, 'Kaya ko rin.’” Napatawa ako, bahagya. “Ganun ba? Ako pala ang inspirasyon mo sa sakit? Saka correction lang ako ang nag-iwan, hindi ako ang iniwan. Pero tama ka. Iniwan din pala ako. Iniwan din pala ako ni Liam. Pero wala na akong hinanakit sa kanya. Masaya ako dahil masaya siya sa pamilya na itinayo niya.” “Hoy!” sabay palo niya sa braso ko. “Hindi naman sa gano’n. Pero seryoso… kung sakaling makatagpo ako ng lalaking mamahalin ko, sana hindi ako matulad sa’yo. Hindi ko kaya ang ganito, Jen.” Umiling ako, hinigop ang malamig na kape. “Walang may gusto ng ganito. Walang gustong masaktan. Pero darating talaga sa punto mapipilitan kang pumili. Minsan, kahit mahal mo, kailangang iwanan.” “Ang tanong…” sabat niya, “ikaw ba ang pumili, o pinili kang iwan?” Napatigil ako. Natahimik. Lumingon ako sa bintana at pinanood ang mga sasakyang dumadaan. “Pareho,” sagot ko sa wakas. “Umalis ako. Pero bago pa ako umalis… matagal na rin niya akong hindi pinipiling panindigan.” Tumango si Aira, tila nauunawaan ang lalim ng ibig kong sabihin. “Alam mo bang tuwing birthday mo, iniisip ko kung nasaan ka?” sabi niya bigla. “Kung okay ka. Kung may kasama ka. Kung may umiiyak ka pa ring kaibigan sa tapat ng cake na may kandilang hindi mo sinindihan.” Ngumiti ako, nahihiyang napatawa. “Tanga ka talaga.” “Tanga ka rin. Pero mahal kita,” biro niya. “Mahal din kita, Aira.” Tumahimik kami ulit. Tumingala siya sa kisame ng café na may mga nakasabit na fairy lights. “Sa Canada… siguro tatahimik na rin ‘yung puso ko,” sabi niya. “Baka doon ko mahanap ‘yong lalaking hindi ko kailangang habulin. ‘Yong lalaking hindi lang magaling magdisenyo ng bahay kundi pati kinabukasan.” Napahagalpak ako ng tawa. “Designer din pala ang target?” “Bakit ba? Para match! Tapos magtatayo kami ng shop. Ako sa interior design, siya sa furniture. Tapos may linya kami ng damit pangbata. Mga tela na galing pa sa Pilipinas. Tapos ikaw… ikaw ang endorser.” “Ha? Ako?” “Oo, ikaw ang face of strength and second chances.” Napangiwi ako, pero ngumiti rin. “Baliw ka talaga. Pero gusto ko ‘yan. Gusto ko ‘yong may plano kang ganyan. Masaya ako para sa’yo.” Hinawakan niya ang kamay ko ulit. “Sana isang araw, makuha mo rin ‘yon. Hindi perpektong lalaki, kundi ‘yung makikinig sa mga tahimik mong iyak. ‘Yung hindi matatakot sa mga lamat mo. ‘Yong hindi aalis kapag hindi ka na okay.” Humigpit ang hawak ko sa kanya. “Sana nga. Pero sa ngayon… ayos na ‘kong nandiyan ka pa.” Tumayo siya. “At habang hindi pa ako umaalis, dito lang ako.” Niyakap niya ulit ako. Matagal. Mainit. Hindi pilit. “Salamat, Aira,” bulong ko. “Hindi mo kailangang magpasalamat. Pinili kitang kaibigan noon. Pipiliin pa rin kita araw-araw. Kahit sa kabilang kontinente pa ako mapunta.” At sa gabing iyon, hindi ako nag-iisa. Kahit aalis man si Aira, pero hindi maayos sa amin ang pagiging magkaibigan. Mabuti na rin iyon na malayo siya. Baka mamaya siya na naman ang magiging target ni Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD