Chapter 19 Jennifer Tahimik kaming naglakad ni Mr. Johnson, pabalik ng opisina. Wala akong masabi. Parang may nanatiling bigat sa dibdib ko matapos ang lahat ng narinig ko sa kaniya. Ang kwento niya, bagama’t hindi buo ang mga detalye, ay punung-puno ng pighati. Masakit. Madilim. At sa kakaibang paraan, nakarelate ako. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa hallway habang sabay kaming lumalakad. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw kong may makakita sa amin. Baka kung ano pa ang isipin ng iba, pero hindi rin naman ako makaiwas. Parang kailangan ko lang ng taong makakausap. At kahit hindi ko inasahan, si Mr. Johnson pa ang naging sandalan ko. Pagkarating namin sa lobby ng opisina sa may conference room, ilang empleyado ang napatigil sa ginagawa nila. May umalingawngaw na pabulong. "S

