Chapter 38 Jennifer Tahimik ang loob ng kotse habang binabaybay namin ang highway pabalik sa condo ko. Wala kaming binuksan na radyo. Tanging ilaw ng mga poste at mahihinang ilaw sa dashboard ang nagsisilbing ilaw namin. Sa labas, kumikislap-kislap ang city lights na kanina lang ay background ng isang gabing puno ng alaala—at tanong. Napatingin ako sa Papa ko. Nakatitig lang siya sa kalsada, seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung pagod lang siya sa biyahe, o dahil sa biglaang muling pagkikita nila ng mga taong matagal na niyang iniwasan. Ilang ulit kong pinisil ang hintuturo ko bago ko nahanap ang loob para magsalita. “Pa…” Bahagya siyang tumingin sa akin, saglit lang, bago muling ibinalik ang tingin sa daan. “Hm?” “Galit ka pa rin ba kay Don Leonardo?” Hindi agad siya sumagot. Para

