Chapter 39 Jennifer Pagpasok namin sa condo unit tahimik lang kami ni Papa. Kinuha niya ang kanyang maliita na nasa gilid ng sofa. "Gusto mo uminom ng coffee, Pa?" alok ko sa kaniya. Umiling siya habang binubuksan ang kanyang maleta. “Busog pa ako, anak.” Tahimik lang akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan siya. Wala pa ring kupas ang kilos ni Papa Mario—maalaga sa gamit, pulido sa bawat galaw. Para bang kahit ang pagbukas ng zipper ng kanyang maleta ay may ritmo, may disiplina. Maya-maya, may inabot siyang isang puting kahon mula sa loob ng maleta. Simple lang ang packaging, pero halatang mamahalin. May tatak sa gilid na hindi ko mabasa agad, pero pamilyar. Dinampot niya iyon at iniabot sa akin na parang may espesyal na laman. “O, ito pala,” sabi niya, medyo casual ang tono

