CHAPTER 57 William Maaga akong dumating sa restaurant na napag-usapan namin ni Kim. Kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Malakas ang kabog ng aking dibdib at mabigat ang bawat paghakbang ko papasok sa loob ng restaurant Ang pinto ng restaurant ay gawa sa kahoy na kulay kastanyas, may maliliit na salamin na nagpapakita ng loob. Mula sa labas, naamoy ko na ang halimuyak ng bagong lutong tinapay at kape, humahalo sa malamig na hangin ng Holand City. Sa gilid, may mga paso ng tulip na kulay dilaw at kahel, nakapila sa ilalim ng bintana. Pagpasok ko, bumungad ang malambot na tunog ng jazz mula sa lumang radyo sa sulok. Ang sahig ay gawa sa kahoy, at sa bawat hakbang ko, may bahagyang langitngit. May mga tao sa ilang mesa, tahimik na nag-uusap, may ilan namang nakatingin sa

