CHAPTER 58 Jennifer Dalawang linggo na ang lumipas mula sa gabing iyon sa rest house—'yong gabing, sa kabila ng lahat, naramdaman kong may bahagyang pag-asa at takot na sumalubong sa akin. Hindi ko pa rin alam kung paano i-classify ang gabing iyon sa buhay ko—isang pagkakamali ba, isang kasalanan, o isang pagkakataon na kailangang harapin? Bawat gabi, habang ako’y nakahiga sa sofa o kama ng condo ko, bumabalik sa isip ko ang malambot na labi ni William. Bumabalik sa akin ang mga halik niya, ang mga masasakit na salita, mga pang-iinsulto kung gaano kababa ang tingin niya sa akin. Hindi pa rin ako matatahimik. Lalo niya lang ginulo ang isip ko. Kahit gaano ko pilit na kalimutan siya bumabalik-balik pa rin siya sa mga alaala ko. Nabalitaan ko na umalis na siya bumalik sa Italy. Naiwan n

