Chapter 22 Jennifer Parang binagsakan ng langit at lupa si Raydin ng malaman na kinuha na ng morgue ang kanyang kapatid. Gusto ko siyang yakapin, damayan, o kahit hawakan man lang ang braso niya, pero hindi ko alam kung karapatan ko pa ba iyon. Kaya ang nagawa ko lang ay manatili sa tabi niya—tahimik, pero totoo. Kahit ako man hindi ko alam ang gagawin. Ang bigat ng dibdib ko. Nang dahil sa akin, kaya napahamak si Raynier. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung sasabihin ko sa kanila na ang ama ko ang may gawa ng aksidente ni Raynier at ni Zoey, ano naman ang ipapakita ko sa kanila na ebidensya? Baka mas lalo pa lumala ang sitwasyon kapag nalaman ni Papa na magsumbong ako. Baka hindi lang si Raynier at si Jeff ang mawala. Kahit magsalita ako wala pa rin akong laban d

