Chapter 49 Jennifer Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ulit ako nagsalita sa kabilang linya. "Anong pag-uusapan natin?" Narinig ko ang mabigat ba buntong hininga ni William sa kabilang linya. "Marami," tipid niyang sagot. Napakagat ako ng aking labi. Hindi ko alam kung may dapat pa ba kaming pag-uusapan. "Wala na tayong pag-usapan pa," sabi ko sa kanya. "Hindi tungkol sa ating dalawa ang pag-uusapan natin. Nandito ako sa tapat ng condo unit mo. Hihintayin kita rito sa coffee sho." Pagkasabi niya ang ganyang binaba ang tawag. Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. Tila nawalan ng lakas ang buo kng katawan. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, pero hindi ito dahil sa kilig—kundi sa kaba, sa pagkalito. Bakit ngayon? Bakit kailangang makipagkita pa siya? At

