Chapter 69 Jennifer Humihigpit ang pagkakakapit ko sa manibela, nanginginig ang daliri ko. Pakiramdam ko, bawat segundo na lumilipas ay parang huling pagkakataon na lang na maililigtas ko ang isang buhay. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto. Pero paano kung hindi iyon sapat? Paano kung dahil sa galit ko, may inosenteng mawawala? "Panginoon ko..." halos pabulong kong dasal, halos hindi na ako makahinga. Sa sobrang takot ko, bumalik ako sa palengke, pinuntahan ko si Tita Cecil. Kahit maingay, madumi, at amoy isda at karne ang paligid, hindi ko iyon ininda. Basta makita ko lang si Tita, baka kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pagdating ko sa palengke, mabilis kong ipinarada ang kotse sa gilid. Bumaba ako at halos patakbo kong tinungo ang stall kung saan siya madalas bumili ng mga

