Chapter 46 Jennifer Tahimik akong nakaupo sa kaharap ng lamesa habang pinagmamasdan si Papa Mario. May kakaibang liwanag sa mga mata niya ngayon, at doon ko napagtanto na bihira ko siyang makita sa ganitong estado—totoong masaya. Hindi tulad ng dati, laging seryoso, laging parang may binabalak, o kaya naman ay may tinatago. "Hindi ko akalaing papayag ka anak sa pakikiusap ko sa'yo. Hindi ko naman sinabi na mahalin mo si Reynold. Gamitin mo lang naman siya para lang makuha ang dokumento. Para rin ito sa pamilya natin ang ginagawa ko," aniya habang umiinom ng kape. Magkaharap kaming nakaupo sa lamesa. "Pero natutuwa ako, Jennifer. Malaki na ang inilago ng shares mo sa RCA. Pero hindi lang sa RCA na mayroon kang shares." Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin Papa?" Tumango siy

