Episode 76

2160 Words

Chapter 76 William Ang bawat salitang lumabas sa bibig ko kanina—“Wala na si Jennifer”—ay parang apoy na ako mismo ang nagbuhos sa sarili kong sugat. Habang inuusal ko iyon kay Rick, pakiramdam ko’y may bahagi ng kaluluwa ko na tuluyang nabunot, nawala, at iniwan akong hungkag. Nakatitig lang ako sa sahig ng condo, hawak ang sentido ko na para bang kaya nitong pigilan ang pagputok ng ulo ko. Ramdam ko ang lagkit ng luha na natuyo sa pisngi ko kanina, ngunit hindi ko man lang magawang punasan. Para bang kahit iyon, wala na akong lakas. Nakaharap sa akin si Rick—matikas, kalmado sa paningin ng iba—ngunit ngayong gabi, kita ko rin ang pagkabasag sa mga mata niya. Ilang taon ko na siyang kilala, at alam ko kung gaano siya katatag, kung paano niya kayang magsalita ng may tapang kahit nakalu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD