Chapter 75 William Nasa pantry ako ng ospital nang tumunog ang cellphone ko. Kadarating ko lang mula sa tatlong magkasunod na pasyente, at habang pinapabagal ko ang oras sa pamamagitan ng paglagay ng mainit na tubig sa tasa ng kape, biglang umilaw ang screen—pangalan ni Lolo Gorio. “Lolo?” mabilis kong sagot, habang ang isa kong kamay ay nakapatong pa sa kettle na umuusok. Ngunit sa halip na pamilyar na boses na may halong lambing at tapang, ang narinig ko ay isang tinig na basag, garalgal, at nanginginig sa pag-iyak. “William…” Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko kailanman narinig si Lolo Gorio na ganyan. Boses pa lang niya, ramdam ko na ang dumarating na unos. “Lolo, anong nangyari?!” mabilis kong tanong, halos mahulog ang tasa na hawak ko. May katahimikan saglit sa kabilang l

