Chapter 74 Jenny Pagdating ng doctor ko tiningnan ako nito. Nilagyan ng gamot ang swero hanggang sa nakatulog muli ako. Pagdilat ng mga mata ko, ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko, para bang nakatali pa rin ako sa kama ng kamatayan. Ngunit mas mabigat ang pakiramdam na dumadagundong sa dibdib ko—ang katotohanang wala na si Jennifer. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Daniel: “Inilibing na ang dati mong pagkatao. Lahat ng tao naniniwalang patay ka na.” Masakit tanggapin. Pakiramdam ko’y itinapon ako sa isang bangin kung saan wala na akong kakapitan. Wala na akong karapatang magpakilala kay Tita Ceciel, wala na rin akong karapatang magpakita kay Katrina. At higit sa lahat, wala akong magagawa para yakapin si Reynold—hindi bilang Jennifer. Si Reynold, sana magising n

