Chapter 73 Jennifer Pagbukas ko ng gate, nadatnan ko agad si Tita Ceciel at si Katrina na parehong nakaupo sa may beranda. Kita ko sa kanilang mga mata ang pag-aalala at paghihintay. “Jennifer, bakit ginabi ka na naman? Buong araw kang nawala, hindi ka man lang nagparamdam,” una nang tanong ni Tita, bakas ang inip at pag-aalala sa boses niya. Sumunod naman si Katrina, halos sabay. “Ate, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba galing?” Napakagat ako sa labi. Hindi ko kayang sabihin ang totoo—na dumalaw ako kay Papa sa kulungan at muntik na akong nadamay sa isang kidnapping. Kaya’t isang simpleng sagot lang ang binitawan ko, pinilit kong gawing kalmado ang boses ko. “May mga inasikaso lang ako. Nag-apply din ako ng trabaho,” sabi ko, kaswal ang dating pero ramdam kong mababaw iyon para sa

