”Ano nga palang gagawin mo sa sembreak? Magbabakasyon na naman ba kayo?” tanong sa akin ng aking kaibigan habang nasa cafe kami ng araw na ‘yon. Masaya na naman ang atmosphere ng campus dahil na rin sa magaganap na namang game ng football team. It’s the second game before the sembreak kaya naman hype na hype ang mga tao. We are wearing our usual color clothes at medyo marami-rami ang tao ngayon dito sa cafe. Tapos na ang lahat ng class namin ngayong araw at nagha-hangout na lang kami rito habang hinihintay ni Havana ang kanyang sundo na late na makakarating. Natigilan ako sa tanong niya at naalala ko na naman na malapit na pala ang sembreak. In fact after this game, weekend na bukas and then uuwi na ako sa amin next week. Tinawagan na nga ako ng magulang ko at excited na sila na umuwi ako.

