Nanalo ulit ang football team ng university. Medyo nadedehado sila at first dahil parang hindi in good shape si Louis na naglalaro. Pero nakabwi naman siya later on at natalo nila ang kalaban with a few points on the board. I was wearing his jersey of course at ilang beses na tinutok ang camera sa akin that made me really awkward. Nagtataka rin si Yves nang makita niyang suot ko na naman ang jersey nito at sinabi ko na lang sa kanya na bumabawi ako rito dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin noong ma-injure ako sa aking tuhod. After ng game, may interview ulit at pinasalamatn na naman ako ni Louis na nagpahiyaw pa lalo sa stadium sabay tutok sa akin ng camera. Kaya kitang-kita ang ganda ko sa malaking screen. Humiyaw naman ang mga tao na naroon at tinukso pankami ng kiss. Ayaw ko nga!

