Chapter 7

1684 Words
Theia is looking at her reflection in the body mirror. Hinaplos niya ang kanyang maiksing buhok. She is wearing a black sleeveless top and black jeans. She wears her high-heeled knee-length boots. Bumuntong-hininga siya bago bumaba, sigurado siyang nasa labas na si Val. Pagbukas niya ng pinto ng cabin ay nakatayong nag-aabang na si Val sa gilid ng Lamborghini. “Lady Theia,” nakayukong bati nito. “Val,” tinanguan niya ang lalaki nang mag-angat ito ng tingin. Pinagbukas siya ni Val ng sasakyan at sumakay na siya sa backseat. Habang binabaybay nila ang daan, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa labas ng sasakyan kung saan tanaw niya ang napakalawak na Henarez Estate. Hindi niya namalayang nakahinto na sila sa tapat ng mansion. Natanaw niyang kausap ni Rome si Albert. Nang mapansin nito ang sasakyan ay naglakad ito palapit at binuksan ang backseat at umupo sa kanyang tabi. Kasunod nito si Albert na umupo naman sa unahan katabi ni Valentin. “Albert, give me the files,” wika ni Rome. Inabot ni Albert ang isang black folder. Pinasadahan ito ng tingin ni Rome bago ipinasa sa kanya. “New players in town. Pilit nilang kinokopya ang formula ng Black Empire pero hindi nila makuha ang recipe mo,” hayag nito. “What do you want me to do,” tanong niya kay Rome habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa larawan na laman ng black folder. Nilingon siya nito, “After today, you have a week before the auction.” “Do I need to win the auction?” tanong niya. Mataman siyang tinitigan ni Rome bago ito tumango sa kanya, “Can you do it?” “How’s my lab?” tanong niya. “I move it in the headquarters,” tugon nito. Humarap sa kanya si Rome at itinaas ang kanyang mukha. Dahan-dahang inilapit nito ang mga labi sa kanyang tenga, “Burn them to the ground cara mia,” bulong nito. Tumango siya rito at mariing pinikit ang kanyang mga mata. “Rome, Lady Theia, nandito na tayo!” hayag ni Albert sa kanila. “Are you ready?” tanong ni Rome sa kanya. “Yes, I’m ready,” aniya. “Let’s go cara mia,” anito. Naunang bumaba si Rome, inabot ni Rome sa kanya ang palad nito at inalalayan siyang makababa ng sasakyan. Bumuntong-hininga siya at tiningala niya ang thirty storey building tower ng Black Empire. Ang organisasyong pinamumunuan ni Rome. Naglakad sila papasok sa glass door, bumugad sa kanila ang hallway. Sa unang tingin ay regular na opisina ang lugar. May Information Desk at may security. Nilagpasan nila ang security at huminto sila ni Rome sa isang elevator door. Rome put his hand on the palm print scanner, then place his eyes on the retina scanner. Bumukas ang elevator door at pumasok sila ni Rome kasunod sina Albert at Valentin. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang elevator at bumungad sa kanila ang isang fighting cage. Lahat ng members ng Black Empire ay tumayo at yumuko nang pumasok sila ni Rome. Kasalukuyang may dalawang taong naglalaban sa loob ng fighting cage. Kapwa may hawak na patalin at naka kadena ang isang kamay sa isa’t isa. Natahimik ang lahat, maging ang dalawang lalaki na halos duguan na ay tumigil at binitawan ang patalim na hawak ng mga ito. “Anong ibig sabihin nito!” dumadagundong na sigaw ng isa sa mga Elders ng organisasyon. Si Don Melchor Sanvictorre. Katabi nito ang iba pang mga Elders ng Black Empire. May mga baguhang mukha na natanaw si Theia. Nangingibabaw ang isang matangkad na lalaki na may asul na mga mata. Bakas ang gulat sa mukha nito, napatayo ang lalaki sa kinauupuan nito. Kumabog ang dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Marahil ay labis siyang nangungulila, dahil ang tingin niya ay pamilyar ang mga mata nito sa kanya. “She is part of this organization kaya marapat lang na kasama siya sa pagtitipon na ito,” malamig na wika ni Rome. “Kalokohan! She has no place here!” sigaw ni Don Melchor. “She is my wife and the queen of this empire,” walang emosyong sagot ni Rome. Di nakaligtas kay Theia ang labis na pagkabigla ng lalaking may asul na mga mata sa sinabi ni Rome na kinakunot ng noo niya. Tumawa ng malakas si Don Melchor, “Huh! Ang babaeng ‘yan ay hindi bahagi ng mafia family kaya kailanman ay di ko siya matatanggap na kaanib ng ating organisayon.” “Too bad isn’t?” kasing talim ng patalim ang tinig ni Rome, “I’m the Master of this Empire!” hayag nito. “Well, she still the Red Phoenix,” nakangising sabat ng lalaking naglalakad palapit sa kanila ni Rome. “Welcome back, Lady Theia,” nakangising bati nito sa kanya sabay yuko. “Thank you, Caleb,” walang emosyong tugon niya. “Paano ba ‘yan, Master Rome?” nakangising baling ni Caleb. Nangalit ang panga ni Rome pagkarinig sa tanong ni Caleb Sanvictorre, ang bunsong anak ni Don Melchor. “Caleb!” sigaw ng matanda sa anak nito. Hindi ito natinag at muling nagsalita ang mga mata ay di inaalis kay Theia na kinakulo ng kanyang dugo. “Rules are rules, Papa,” nakangising wika nito. “Gusto kong makita kung totoo ang balita na mas humusay ka pa,” wika nito kay Theia. Napatingin si Rome sa asawa nang humigpit ang pagkakakahawak nito sa kanyang kamay. “Same rules?” walang emosyong tanong ni Theia kay Caleb. But Rome knows better. Mas makamandag ang kanyang asawa kung walang emosyon ang mga mata nito. “Same Rules,” kompirma ni Caleb. Nagkaingay sa kanilang paligid. Tinanguan niya si Theia. Hinubad nito ang suot na jacket at inabot kay Valentin. Nilingon niya si Albert, inilabas nito ang knife roll. Inabot ni Rome ito at ibinigay niya ang dalawang karambit knives kay Theia. Kinalagan ang dalawang lalaking kani-kanilang ay naglalaban sa loob ng cage. “Make it fast, cara mia. Don’t hold back,” masuyong bulong niya sa asawa. Hindi ito kumibo at naglakad papasok sa loob ng cage. Maya-maya lang ay sabay na pumasok ang dalawang lalaki na kapwa may patalim. “Rome,” usal ni Albert sa kanya, bakas ang pag-aalala sa tinig nito. “One drop of blood Albert, it will be the end of the Sanvictorre Family,” malamig na wika niya rito. Tumango si Albert at sumenyas kay Valentin, alam na ng mga ito ang gagawin. Umupo si Rome sa tabi ng bayaw niyang si Gov. Brandon De Silva. “Anong ibig sabihin nito, Rome?” mariing tanong nito. “I will introduce you to her later,” balewalang sagot niya. “D*mn Rome!” mariing bulong nito. Ngumisi siya sa bayaw at umiling. Muli niyang binaling ang tingin sa cage, kasalukuyang kinakabitan ng kadena si Theia sa kaliwang paa nito maging ang dalawang makakalaban nito. Two of the best fighter ng Sanvictorre family ang makakatunggali ng kanyang asawa. Tumayo si Caleb at sumeryoso ang mukha nito bago nagsalita, “The fight will end only if your opponent is not breathing. Let’s start!” hayag nito. Sa isang saglit lang ay wala ng buhay ang dalawang pinakamahusay na fighter. Walang katinag-tinag na nakatayo si Theia sa gitna ng cage. “D*mn!” dinig ni Rome na bulalas ng kanyang bayaw. Ilang saglit pa ay sumunod na pumasok ang anim na fighter ng Solano Clan, tanging si Theia lang ang nanatiling nakakadena. Sa loob ng ilang minuto ay napatumba ni Theia ang anim na lalaki nang walang kahit isang galos ito na kinatahimik ng lahat. “Sandali!” Tumayo si Luis Chan, isa sa mga Elders. “Hindi na kailangan pang ituloy ang laban dahil napatunayan natin ang kakayahan ni Phoenix,” hayag nito. “Pero!” tutol ni Don Melchor. “Enough!” malakas na sigaw ni Don Benedict Henarez, ang lolo ni Rome. “Gusto mo bang maubos ang mga pinakamagagaling nating fighter?” wika ng kanyang lolo na kinatahimik ni Don Melchor. Tumingin ito kay Theia, “Welcome back, Altheia!” ani ng kanyang lolo. Tumayo ang lahat at yumuko kay Theia. Nilapitan ni Rome ang asawa nang lumabas ito sa cage. Kinuha niya mula sa mga kamay nito ang mga patalim. Tumitig ito sa kanyang mga mata, kasing lamig ng yelo ang mga mata ni Theia. “I want to get out of her, before I kill every single one of them!” hayag nito bago naglakad papasok ng elevator. Semenyas siya kay Valentin, sumunod ito sa kanyang asawa. Sinusundan niya ng tingin ang papalayong si Theia nang magsalita ang kanyang lolo. “You found her,” sambit nito. Bumaling siya rito, katabi nito si Brandon. “She changed,” dagdag na sambit nito. “She is Lo,” sang-ayon niya sa sinabi nito. “Katulad ng damdamin mo para sa kanya,” seryosong sabi nito. “What?” nagtatakang tanong niya. Tinapik nito ang kanyang balikat, “I just hope Rome na ang damdamin niya para sa iyo ay hindi nagbago sa nakalipas na taon,” malungkot na wika nito. “You’re talking in riddles, Lo,” aniya. Binalingan nito si Brandon, “Dalhin mo si Blanca sa mansion, panahon na para magkakilala sila ni Altheia,” wika nito kay Brandon na tinanguan ng kanyang bayaw. Nanginginig ang mga kamay na pumasok si Theia sa elevator, kasunod niya si Valentin. Pinindot ni Valentin ang button pababa. “Ayos lang po ba kayo, Lady Theia?” nag-aalalang tanong nito. “Val,” mahinang usal niya sa binata at itinaas niya ang kanyang damit, lumantad sa paningin nito ang tagiliran niya na sugatan. “Lady Theia!” gulat na wika nito. “Dalhin mo ako sa laboratory, walang pwedeng makaalam,” nanghihinang sabi niya. Tumango ito, kinuha niya ang kanyang jacket sa kamay nito at kanyang isinuot upang takpan ang kanyang damit na unti-unting nababakatan ng dugo mula sa saksak ng patalim. Ramdam niya ang pagkalat ng matinding sakit sa kanyang katawan. “X!” mahinang usal niya bago nagdilim ang kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD