“Where is she?” tanong ni Rome kay Ella pagdating niya ng mansion.
Yumuko ito, “Master nasa training ground po si Lady Theia.”
Tinanguan niya si Ella at naglakad siya patungo sa bahagi ng mansion kung saan nagaganap ang pag- eensayo ng mga tauhan niya. Natanaw niya itong ka-sparring si Valentin habang nakapalibot na nanonood ang mga tauhan.
“Rome, patitigilin ko na ba sila?” tanong ni Albert sa kanya na di niya namalayang nasa tabi na niya.
“It’s okay,” malamig niyang tugon kay Albert at muling tinanaw ang kanyang asawa.
“She changed, Albert,” aniya rito na di inaalis ang mga mata kay Theia.
“Mahigit dalawang taon siyang nawala, Rome,” tugon nito.
“Albert, find out everything. I can sense that she is hiding something from me,” wika niya.
“Ako ng bahala sa bagay na iyan,” anito.
Tumango siya at muling sinulyapan ang asawa.
“After ten minutes, ipahinto mo na ang training, and tell those bastards to quit staring at my wife!” mariing bilin niya rito.
Tumango ito sa kanya.
Binigyan niya ng huling sulyap ang pag-eensayo ng asawa at naglakad siya paalis.
Yumuko si Albert at sinundan ng tingin si Rome.
“Albert!” tinig ni Ella sa kanyang likuran, nilingon niya ito.
“Ano ‘yon?” tanong niya rito.
“Di ko nais makiaalam, nahimik ako noon,” mahinang wika nito ang mga mata ay malungkot nakatanaw kay Lady Theia, “Hindi na dapat pang magtagal siya rito, labis na siyang nagdusa at nasaktan noon. Baka sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang ikamatay,” nag-aalalang wika nito.
“Ella, hindi natin hawak ang sitwasyon. Buhay natin ang magiging kapalit alam mo yan,” aniya.
Lumingon ito sa kanya na ang mga mata ay puno ng pagsusumamo, “Kung ganoon, sa pagkakataong ito hayaan mo akong protektahan siya,” mariing wika nito.
“Ella!” Iiling-iling na sambit niya.
“Utang ko ang buhay ko sa kanya, Albert. Kung hindi dahil sa kanya di sana ay matagal ka ng walang kapatid,” tugon nito.
Puno ng pang-unawang tinanguan niya si Ella, “Hindi ko iyon nakakalimutan,” Bumuntong-hininga siya at masuyong hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid, “Sige gawin mo ang nararapat pero huwag na huwag kang kikilos ng di ko alam.”
“Salamat, Albert,” mahinang wika nito.
“Aalamin ko ang lahat-lahat. Sa ngayon, bantayan mo siyang mabuti dahil wala tayong pwedeng pagkatiwalaan na kahit sino,” binaling niya ang tingin kay Lady Theia, “mas magiging delikado ang lahat dahil hindi lang si Rome ang nais na makita siya.”
“Hindi siya kayang saktan ng taong iyon,” wika ng kapatid sa kanya.
“Marahil nga, pero baka nakakalimutan mong wala siyang alam sa pagkatao ni Lady Theia,” paalala niya rito.
“Habang wala ang taong iyon sa bansa dapat mailayo na natin siya mula sa lahat ng ito” wika ni Ella sa kanya.
Tinanguan niya ang kapatid. Ang pagbabalik ni Lady Theia sa mansion at lalong-lalo na sa organisayon ay magdudulot ng kaguguluhan. Hindi lamang sa kaibigang si Rome kundi maging sa mga taong naghahanap rito. Tama ang kapatid niyang si Ella, utang niya kay Lady Theia ang buhay nito. Kung kailangang protektahan niya si Lady Theia mula kay Rome ay gagawin niya.
Tunog ng nagriring na cellphone ang gumising kay Lena, nasa suite siya ng Kuya Greggy niya, nakatulog siya sa pagbabantay rito. Siguradong si Theia ang tumatawag. Kumunot ang kanyang noo ng makitang hindi ang pangalan ng pinsan ang lumitaw. Puno ng pag-aalalang sinagot niya ang tawag.
“M-may nagyari po ba?” bungad niya sa taong nasa kabilang linya.
“Wala naman Lena, itatanong ko lang kung kailan ka babalik rito?” anito.
Napabuntong hininga siya at kinalma ang kanyang sarili, “Medyo matatagalan pa po ako, alam naman po ninyo na comatose pa din si Kuya Greggy,” aniya.
“Pero Lena, kailangang bumalik ka na rito sa lalong madaling panahon,” wika nito.
“Alam ko po, di bale susubukan ko pong makauwi riyan,” aniya.
“Nagkita na ba kayo ni Theia? Nahanap mo na ba siya,” tanong nito.
“Opo, nagkita na kami,” tugon niya.
“Talaga!”bulalas nito, “Nasaan siya, maaari ko ba siyang makausap,” wika nito sa kanya.
“Wala po siya rito, kinakailangan niya pong humingi na tulong kay-” di niya natuloy ang sasabihin nang narinig niya ang pagbukas ng pinto ng suite. Lumingon siya at nakita niyang pumasok ang isa sa mga tauhan ni Master Rome.
“Lena! Hello!” tawag ng kausap niya sa kabilang linya.
“Sige po ako na lang po ang tatawag, mag-iingat po kayo ha kakausapin ko po siya,” patungkol niya kay Theia.
“O sige, mag-iingat kayo,” anito.
“Opo,” pinatay niya ang tawag at hinarap ang bagong dating na lalaki.
“Heto na ang mga gamit na kailangan mo,” malamig nitong wika.
“Salamat, Sir Ivan,” aniya.
“May ibibilin ka pa ba?” anito.
“Wala na po,” sagot niya rito.
Tumango ito at akmang lalabas na ng silid nang tawagin niya, “Si Theia?” sinamaan siya ng tingin ng lalaki. Kinakabahang tumikhim siya, “I-I mean si Lady Theia, kumusta?” aniya.
“Nasa maayos si Lady Theia. Paalala lang, mag-iingat ka sa pananalita mo pantungkol kay Lady Theia. Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod baka putulan na kita ng dila. Master Rome spare your life dahil kay Lady Theia. She not an ordinary person so addresses her properly,” malamig na wika nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid.
Naiwan siyang tigagal at nanginginig sa takot.
Pawisan at habol ang hiningang tumigil sa pakikipag sparring si Theia kay Valentin.
“Salamat, Val,” aniya.
“You’re welcome, Lady Theia,” nakayukong tugon nito.
Tinanguan niya ito. Lumapit si Ella at inabutan siya ng towel at tubig. Sabay-sabay na yumuko ang mga tauhan at isa-isang umalis sa training ground kasama si Valentin. Naiwan silang dalawa ni Ella.
“Salamat,” aniya kay Ella.
“Dumating na po si Master Rome,” wika ni Ella sa kanya.
Bumuntong-hininga siya, “Ella, sabihin mo kay Albert sa cabin papuntahin si Roman. Doon ko gustong mag stay. Kompleto ba ang grocery doon?” tanong niya rito.
Nanlalaki ang matang nakatingin lang ito sa kanya.
“What?” nakataas ang kilay na wika niya.
“Ahh,” tumikhim ito, “Opo, Lady Theia, naiayos na po naming kaninang umaga,” sagot nito.
“Good!” papalakad na siya ng huminto siya at nilingon ang babae.
“I’m glad to see you again, Albella,” nangiting wika niya rito.
“L-lady Theia!” naluluhang usal nito.
“I told you to keep your composure. I’m okay Ella, and I’m back,” iniwas niya ang tingin sa naluluhang mga mata nito.
“P-pero!” bakas ang pag-aalala sa tinig nito
“Hindi na ako ang dating Altheia. Kailangan kong mas maging matatag ngayon dahil may mabigat akong dahilan. Ella, gagawin ko ang lahat para magtagumpay kahit na buhay ko pa ang maging kabayaran,” malamig na wika niya rito at tuluyan na siyang lumakad papunta sa cabin.
Naiwang naluluha si Ella habang tinanatanaw ang babaeng pinagkakautangan niya ng kanyang buhay.
“Altheia” mahinang usal niya at kanyang isipan.
Pinahid ang luhang nagbabantang bumagsak sa kanyang mga mata. Alam ni Ella na nagsisimula pa lang ang lahat. Gagawin niya ang kanyang makakaya para sa pagkakataong ito ay matulungan niya si Lady Theia.
Theia feels nostalgic looking at the cabin in front of her. Flashes of memories came back. Two years have passed but the feeling is still the same. The only place in the Henarez Estate that makes her feel real.
“Lady Theia,” magalang na wika ni Len sa kanyang likuran. Yumuko ito, may dala- dalang grocery bag.
Kasunod ng dalagita ang isa pang tauhan na sa tingin niya ay baguhan.
“Ano ang mga ‘yan?” malamig niyang tanong.
“Pinasunod po kami ni Ms. Santos. Heto po ang mga grocery na di pa po nailagay sa loob,” sagot nito.
“Sige na, iwan na ninyo ang mga ‘yan ako na lang ang magpapasok,” aniya.
“P-po?” takang wika ng kasama ni Len.
“May problema ba? Ang sabi ko iwan na ninyo ‘yan! Just leave me alone,” walang emosyong wika niya.
“Masusunod po, Lady Theia,” siniko ni Len ang kasama nito at nilapag ang grocery bag sa balcony ng cabin.
“May kailangan pa po ba kayo?” magalang na tanong nito sa kanya.
“Wala na,” aniya.
Yumuko ang dalawa at magalang na umalis.
Binuksan niya ang pintuan ng Cabin. Wala itong pinagbago, ganoon pa rin ang ayos nito noong huling nandoon siya. May cleopatra couch na napapalibutan ng mga decorative throw pillows. Malaki ang dining table na nakaharap sa kitchen. Pagtingala mo ay kita ang second floor ng cabin at tanaw ang malaking kama at entertainment equipment. Nandoon pa din ang collection niya ng mga Russian dolls. Bumuntong-hininga siya at muling lumabas ng cabin.
Isa-isang pinasok ni Theia ang mga grocery bag at nilapag niya sa kitchen counter. Umakyat siya sa second floor. Nang buksan niya ang cabinet drawers ay nandoon ang mga lumang t-shirt ni Rome at ang shorts niya. Kumuha siya ng damit at lingerie. Pumasok siya sa bathroom, foggy glass ang wall nito. Kung nasa labas ka ng bathroom ay tanging aninag lang ang makikita mo. Isa-isa niyang tinanggal ang kanyang gym clothes. Tumapat siya sa shower at binuksan niya ito.
Ang daloy ng maligamgam na tubig sa kanyang hubad na katawan ay balsamo sa rigodon ng damdaming nararamdaman niya, kasabay ng pagdaloy ng tubig sa kanyang buong katawan ay pinakawalan niya ang kanyang mga luha. Sobrang pangungulila sa kanyang kapatid at sa taong pinakamahalaga sa kanya ng higit pa sa kanyang buhay.
Makalipas ang ilang minuto ay hinamig niya ang kanyang sarili at nagbihis siya. Pababa na siya ng hagdan nang bumukas ang pinto ng cabin at pumasok si Rome. Ang mga mata nito ay matiim na nakatitig sa kanya. Hinagod nito ng tingin ang kanyang kabuuan. Iniwas niya ang mga mata rito at tinuloy ang pagbaba ng hagdan.
“You’re early! Akala ko mamaya ka pa pupunta rito,” malamig niyang wika habang naglalakad siya papunta sa kitchen counter. Ramdam ni Theia ang init ng mga matang nakatitig sa kanya.
“Sabi ni Albert, dito ka mag-stay,” sabi nito sa kanya.
Dinig niya ang mga yabag nito, “Oo, ayaw ko sa mansion,” balewalang sagot niya.
Hindi ito kumibo.
Pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga grocery.
Rome clears his throat, “Today is the monthly meeting and we need to be there,” wika nito sa kanya.
Lumingon siya kay Rome, “Just give me twenty minutes.”
“Take your time. Mauna na ako sa mansion, si Val na ang maghahatid sa iyo,” wika nito sa kanya.
“Okay!” mahinang usal niya.
“Your clothes are in the closet. Be ready, it might get bloody,” may diing wika ni Rome.
“I know,” tugon niya.
Nilapitan siya nito at hinaplos nito ang kanyang pisngi. Iniwas niya ang kanyang mukha. Napabuntong-hininga ito bago lumabas ng cabin.