Chapter 5

1150 Words
"Lady Theia!" sabay-sabay na bati ng mga tauhan sa kanya nang makapasok siya ng komedor. "Maligayang pagbabalik po!" nakangiting salubong sa kanya ni Ms. Santos, ang mayordoma ng mansyon. "Salamat!" tipid niyang tugon. Tinignan niya ang mga nakahaing pangkain, puro mga paborito niyang putahe ang nasa lamesa. Nahagip ng paningin niya ang adobong spareribs, isang eksena ang sumagi sa kanyang alaala. Kumirot ang kanyang dibdib, madiin niyang kinuyom ang kanyang palad. "Ms. Santos, sabayan ninyo akong kumain," aniya. "L-lady Theia!" gulat na turan nito. "Kumain na tayo!" naupo na siya sa upuang laan sa kanya at sinulyapan niya ang mga tauhang natilihan sa winika niya. "Kung di ninyo ako sasabayan, sasabihin ko sa Master ninyo na parusahan kayong lahat dahil di ninyo sinunod ang utos ko!" taas kilay niyang banta sa mga ito. "Ms. Santos, kukuha na po kami ng mga p-pinggan!" nagmamadaling paalam ng mga ito at lumabas ng komedor. "Lady T-theia!" mahinang usal ni Ms. Santos at umupo sa tabi niya. "Kumain ka ng madami at nangangayayat ka na," malamig niyang wika rito. "Opo, L-lady Theia," pumiyok ang tinig nito. "Stop being melodramatic Ella. Huwag kang magpakita ng kahinaan sa kanila!" mariing wika niya rito. Tumikhim ito at hinamig ang sarili. Siya naman ay binalingan ang binabasang broadsheet. Pero wala sa binabasa ang kanyang isipan kundi sa sari-saring emosyong pilit niyang nilalabanan na kumawala. Matagal na panahon niyang sinanay ang kanyang sarili na pagtakpan ang kanyang tunay na nararamdaman. "Grabe naman! Nakakatakot si Lady Theia, kasi maging si Ms. Santos natameme sa kanya!" dinig ni Len na wika ng kasamahan nilang si Agnes. "Baguhan lang kasi kayo pero masasanay din kayo! Mabait si Lady Theia. Mukha lang siyang walang pakiaalam pero napakabuti niya," sagot ni Mara, isa sa pinakamatagal sa kanila. "Mas gusto ko naman si Lady Theia kaysa sa bruhang si-" "Helen!" pigil ni Mara sa sasabihin ni Helen at sinamaan ito ng tingin, "Halina kayo, hindi magsisimulang kumain si Lady Theia hanggang isa sa atin ang wala doon!" baling nito sa kanila. Nagkatinginan silang lahat sa sinabi nito. Palabas na sila ng kusina nang pumasok ang Kuya Valentin niya. "Kuya Val" tawag ni Len sa kapatid. Tinignan siya nito at tinanguan. "Dalian na ninyo dahil siguradong nalipasan na ng gutom si Lady Theia!" malamig nitong wika bago lumakad palabas ng kusina. "Ano ba naman ‘yang si Valentin di pinansin ang beauty ko!" nakasimangot na reklamo ni Helen. "Hindi ka papasa kay Kuya Val dahil may babaeng iniibig na siya!" di mapigilang sabat niya kay Helen. "Ha! Sino? " sabay-sabay na tanong ng mga ito sa kanya na inilingan lang niya at nauna na siyang lumabas ng kusina. "Kuya hanggang kailan ka iibig sa kanya. Ilang ulit mo bang sasaktan ang sarili mo para sa babaeng di masusuklian ang damdamin mo," wika niya sa kanyang isipan habang malungkot na nakatigtig sa kapatid. Nangingimi ang lahat habang nasa hapag kainan sila. Ramdam ni Theia ang panakaw na mga sulyap ng mga kawaksi sa kanya. “Kumain kayo ng kumain!” malamig niyang wika sa mga ito. “Opo, Lady Theia!” sabay-sabay na wika ng mga ito. Maliban sa tunog ng mga kubyertos ay walang maririnig na ingay sa paligid. Nakain siya ng maayos. Bagama’t hindi kasing gana noong panahon na kasama niya si~ napailing siya sa naiisip niya. Kinuha niya ang baso ng tubig at sinaid ang laman nito upang makahinga siya nang maayos. “Ella, madami ba tayong food supply?” tanong niya rito. Nasa sala silang dalawa, inaya niya itong magkape. Nakasanayan na niyang magkape pagkatapos niyang kumain ng tanghalian. Napabuntong-hininga siya, hindi niya makuha ang timplang gusto niya. “Opo, Lady Theia, may gusto ba kayong ipaluto,” nilapag nito ang isang platito ng cookies. “Bukas ng umaga, magpaluto ka para madala natin sa ampunan,” aniya. “Pero po, Lady Theia,” bakas ang pagtutol sa mukha nito. Bumuntong-hininga siya, isinandal niya ang kanyang likod sa sopa. “Nais ko silang makita, matagal na din nang huling beses ko silang dinalaw.” “Baka magalit po si Master Rome, kakabalik pa lang po ninyo!” nag-aalalang wika nito. “Ella, ako ang bahala kay Roman! Magsama lang tayo ng ilang mga tauhan, ikaw na bahalang magsabi kay Val,” aniya. “Kayo po ang bahala,” tipid itong ngumiti sa kanya, “Miss na miss na po kayo ng mga bata!” dagdag nito. “I miss them too,” mahinang wika niya. Tumayo siya, ganoon din si Ella. “I’m glad to see you again, Albella,” nangiting wika niya rito. “L-lady Theia!” naluluhang usal nito. “I told you to keep your composure. I’m okay Ella, and I’m back,” iniwas niya ang tingin sa naluluhang mga mata nito. “P-pero!” bakas ang pag-aalala sa tinig nito. “Hindi na ako ang dating Altheia! Kailangan kong mas maging matatag ngayon dahil may mabigat akong dahilan kaya gagawin ko ang lahat para magtagumpay. Ella kahit buhay ko pa ang maging kabayaran,” malamig na wika niya rito at tuluyan na siyang lumakad paalis ng living room. Naiwang naluluha si Ella habang tinanatanaw ang babaeng pinagkakautangan niya ng kanyang buhay. “Altheia” mahinang usal niya at kanyang pinahid ang luhang nagbabantang bumagsak sa kanyang mga mata. Alam ni Ella na nagsisimula pa lang ang lahat. Gagawin niya ang makakaya niya para sa pagkakataong ito matulungan niya si Lady Theia. “Ms. Santos,” pukaw sa kanya ni Valentin. “Ikaw pala, Val!” nilingon niya ito, ang mga mata nito ay nakatanaw sa nilabasan ni Altheia. “Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanyang pagbabalik,” malungkot ang tinig na hayag nito. “Val!” usal niya sa lalaki. Tipid siya nginitian nito, “Hindi na talaga natin maibabalik ang dating siya,” anito. “Hindi na Val, ang kailangan niya ngayon ay suporta natin. Higit niya tayong mas kailangan sa pagkakataong ito,” sabi niya sa binata. Tumango si Valentin sa kanya, malungkot itong napabuntong-hininga. “Val, hanggang ngayon pa ba ay-,” napatutop siya. Kitang-kita niya sa mga mata ng binata ang sagot sa gusto niyang itanong rito. “Hindi kailanman nagbago ang damdamin ko, Ms. Santos.” “Valentin, patuloy mo lang sinasaktan ang damdamin mo,” mahinang bulong niya rito. “Nagkakamali ka Ms. Santos, ito ang patuloy na bumubuhay sa akin,” nakangiting wika nito, bagama’t bakas ang lungkot sa mga mata nito. “Kamatayan ang kapalit ng dadamdamin mong iyan!” bulalas niya. “Matagal ko ng naihanda ang sarili ko, parehas lang tayo Ms. Santos,” anito. “Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang wika niya. “Maging ikaw ay handang mamatay para sa kanya,” seryosong sagot nito sa kanya. Hindi siya nakakibo, dahil totoo ang winika nito. Kahit buhay niya ay handa niyang ibigay para kay Altheia. Tanging sila lang ni Valentin ang nakakaalam ng totoong dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD