Sa natutulog na diwa ni Theia ay naulinigan niya ang dalawang tinig na nag-uusap. "Napakaganda niya!" bakas ang paghanga sa tinig ng babae. "Huwag ka ngang maingay! Hindi kita sinama rito para mabuko lang tayo. Lagot tayo kay Ms. Santos kapag nalaman niyang sinama kita," tinig ni Len. "Gusto ko lang naman makita ang hitsura niya," mahinang usal nito. "Halika na baka magising si Lady Theia, paparating na si Master," anito. Narinig niyang sumara ang pintuan tanda na nakaalis na ang mga ito. Idinilat niya ang kanyang mga mata. Ngayon ay sigurado siyang di panaginip ang lahat. Agad niyang ipinikit muli ang kanyang mga mata nang may maramdaman siyang nagbukas ng pintuan. Napigil niya ang kanyang hininga ng may humawi ng kumot na nakatabing sa kanya at dumantay ang mainit na palad sa kan

