Lumabas si Theia sa back exit ng SSC. Sa isip niya ay bahala na kung magalit si Rome Henarez kung hindi siya madatnan ng taong inutusan nito upang sunduin siya. Ang mahalaga sa kanya ay pansamantalang makalayo sa lugar na iyon. Hindi na niya nagawang magpalit ng damit, inalis niya lang ang kanyang wig at contact lens. Maging ang kanyang makeup ay binura niya. Nanginginig ang kanyang mga tuhod na napasandal siya sa pader. Dumampi sa kanyang katawan ang malamig na simoy ng hangin. Kipkip ang kanyang dibdib ay tumingin siya sa kalangitan. “Are you okay?” tanong ng isang tinig sa kanya. Nilingon niya ang kanang bahagi ng SSC, sa liwanag nang panggabing ilaw ay lumitaw ang anyo ng isang lalaki. Napasinghap siya nang makilala niya ito. Napapikit si Theia at gusto niyang tumakbo palayo rito

