“This is a disaster!” bulalas ni Theia. Nilingon niya sina Valentin, Ella at Ivan. Tulad niya ay mukhang problemado rin ang makikita sa mukha ng tatlo. “Anong gagawin natin? Uuwi na si Master Rome, siguradong magwawala iyon,” saad ni Ella. “Baka mapatay na ako ni Master nito,” usal ni Ivan. “Malala ba talaga?” wika niya. Laglag ang balikat niya nang dahan-dahan na tumango ang tatlo. “Ms. Santos, mumultuhin ka talaga namin ni Val. Kasalanan mo ‘to,” muling saad ni Ivan. “Magtigil ka nga, baka mauna pa ako kay Master Rome na patayin ka kung di ka titigil sa kakareklamo mo. Hindi ako makapag-isip,” sinamaan ni Ella ng tingin si Ivan. “Anong balak mo, Lady Theia?” wika ni Valentin. “What the f*ck!” SABAY-SABAY silang apat na napatingin sa may pintuan. Parang gusto na niyang lumubog

