Chapter 32

3057 Words

KAKATAPOS lang ng ensayo ni Theia para sa araw na iyon. Matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Rome noong nakaraang gabi ay hindi niya kinikibo ang asawa. Alam niyang nagtitimpi ito sa kanya lalo na at lantaran niyang pinapakita kay Rome na inis siya rito. “Theia, magpahinga ka na muna,” wika ni Ella sa kanya. “Salamat, Ella.” “Masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo?” Umupo sa tabi niya si Ella, inabutan siya nito ng tubig. “Ayos lang ako, Ella. Bakit ka nga pala nagpunta rito? Pwede naman na si Valentin ang magdala ng grocery,” nagtatakang sabi niya. Ang alam niya ay busy ito sa mansyon kaya hindi ito nakakapunta sa cabin. “May gusto kasi akong itanong sa iyo,” tugon nito sa kanya. “Go ahead,” aniya. “Hindi ka pa ba babalik sa mansyon?” walang paligoy-ligoy na tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD