NAPASINGHAP si Theia nang lumapat ang mga bisig ni Rome sa kanyang katawan. “Bakit hindi ka pa natutulog?” usal nito sa kanya. Kinuha ng asawa ang hawak niyang larawan. “Stop thinking about this. I will handle it, cara mia,” wika nito sa kanya. Marahan siyang tumango sa asawa. Napasinghap siya nang buhatin siya nito pabalik sa kama. “Rome!” “Round six?” nakangising saad nito sa kanya. “Hindi ka pa ba nagsasawa?” natatawang tanong niya sa asawa. Mabilis itong umiling sabay angkin sa kanyang mga labi. Muling nilunod niya ang kanyang isip at puso sa mainit na yakap at halik ng kanyang asawa. Iwinaksi niya ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Subalit, may bahagi ng puso niya ang totoong apektado dahil sa mga larawan. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nila Tiger k

