BUMUNTONG-HININGA muna si Tiger bago nito tinulak ang nakapinid na pinto ng cottage. Dinala nito si Gregory Sebastian sa isang private resort na pag-aari ng pamilya ni Bull. Umangat ang tingin ng kapatid ni Phoenix sa binata. “S-sino ka?” wika ni Gregory kay Tiger. Bakas ang paghihirap ng kalooban at dalamhati sa mukha nito. “I’m Tiger Stepanov, Mr. Sebastian.” “Salamat sa pagliligtas mo sa akin, Mr. Stepanov,” nanghihinang wika ni Gregory. Tinanguan lamang ito ni Tiger, nanatiling nakatayo ang binata malapit sa bintana. Lumipas ang ilang sandali bago muling nagsalita si Tiger. “Mr. Sebastian, walang sino man ang dapat makaalam ng mga nangyari,” mariing sabi nito kay Gregory. “Pangako, walang makakaalam.” “Magpahinga ka na. Malapit na mag-umaga. Saka na tayo uli mag-usap kapag n

