HUMINGA muna ng malalim si Theia. Tumingala siya sa mataas na gusali ng Del Rio Builders. Pagkahatid sa kanya ni Fox sa townhouse, wala siyang inaksayang panahon. Agad siyang naghanda upang simulan ang usapan nila ni Madam Red. Pinaalam niya kay Valentin na may kailangan siyang ayusin. Halos walang pinagkalayo ang laki ng H.E. International na pagmamay-ari ng kanyang asawa sa kompanya ni Nixon Del Rio. Mahigpit ang security ng Del Rio Company. Hiwalay ang pasukan ng mga empleyado nito. Napuna niya na color coded at may level number tag ang suot na ID ng mga empleyado. Nakatayo siya sa tapat ng kiosk machine. Hinahanap niya sa directory ang recruitment department nang maramdaman niya ang presesnsya sa kanyang likuran. Sa pag-aakalang aplikante rin ito ay di na niya nilingon. Ipinagpatuloy

