“NO!” Padabog na lumabas ng walk-in closet si Theia. “What do you mean, no?” hinawakan ni Rome ang kanyang braso, pinihit siya nito paharap sa lalaki. Napalitan ng galit ang abuhing mga mata nito na kanina-nina lang ay puno ng pagnanasa. “Let me remind you, Altheia. You have no right to disobey me!” mariing wika nito sa kanya. “And let me remind you, Mr. Henarez, I did not disobey you. I rejected your stupid proposal. Maghanap ka ng baliw na babae na magpapakasal sa iyo!” Pabalyang hinila niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito. “Don’t you dare leave this room, Theia! Don’t test my patience, cara mia,” wika nito sa mahinahong tinig na kinatigil niya. “Cara mia my foot!” inis na tugon niya kay Rome at tuluyan siyang lumabas ng master bedroom. Nagmamadaling bumaba siya. Na

