Chapter Twenty One "Mom, it's been four days since we terminated the camp of Aliens. Bakit hindi pa tayo susugod para pabagsakin ang Asymptote Universe? Alam naman natin kung ano ang makapagbabagsak hindi ba?" I said to them. Lumapit na ako kina Mom at Dr. Faraday na magkaharap at seryosong nagpapalitan ng salita. Napahinto silang dalawa sa pagsasalita at npatingin silang dalawa sa akin nang nakakunot ang noo. Kanina pa kasi sila nag-uusap ni Dr. Faraday sa benches at hinahayaan lang kami nina Ellina, Matt at Cedric. Parang wala nga silang balak kausapin kami at tila walang planong papasukin kami sa Asymptote Universe gayong alam naman na namin ang sources ng energy nito at kung paano ito maipababagsak. Napaseryoso agad ang mukha ng dalawa sa pagsabat ko sa usapan nila. "Pinagpa-planuh

