Chapter Twenty
Rinig na rinig namin mula sa pangpang kung saan kami nakahiga ang malalakas na pagsabog mula sa kampo ng mga Aliens. Mabibigat ang paghinga naming lahat habang nakatingin sa itaas. Halos kapusin kami ng hininga.
Ilang sandali lang ay naupo na kami mula sa pagkakahiga sa buhangin.
"Yes! We did it! Napabagsak natin ang Camp ng Aliens?" sigaw ni Matt kahit parang kapusin siya ng hininga.
Napakurba na lang ang aming mga labi nang mapagtanto namin ang nangayari. Bumagsak na ang isang Camp ng Aliens, pero alam naming buhay pa rin ang Asymptote Universe.
Nang maupo ako ay kitang-kita ko ang mga kasamahan namin galing sa loob ng kampo ang lumalangos sa pangpang kung saan kami naroroon. Ang dami nila na halos pumuno sa manila bay.
Doon ko lang talagang napagmasdan at napagtanto ang kanilang kasuutan. Kulay puti ang mga ito simula damit hanggang sa pantalon.
Hingal na hingal rin ang mga ito nang makarating sa pampang at bumawi ng lakas mula sa kalalangoy. Sa wakas, naisalba na namin ang mga ito sa kamay ng mga Aliens.
Ngunit, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi agad kami na trace ng mga Aliens sa kabila ng pagka-advance nila sa teknolohiya.
"Ahhh nagtagumpay tayo!" masayang sambit ni Matt at biglang tumayo. Nagtatalon ito sa tuwa.
Napangiti na lang sina Mom at Dr. Faraday. Para kasing bata si Matt na nagtatampisaw sa tubig. Napangiti na lang din ako habang habol ang hininga.
Sino nga bang mag-aakalang magtatagumpay kami sa bilang namin? Napaka-imposible.
Nang i-tuon ko ang aking mata kay Ellina. Nakita ko ang mga ngiti niya na halos mapunit na ang kaniyang labi. Tulad ni Matt ay hindi na rin napigilan ni Ellina.
Si Mom naman ay unti-unting napangiti rin habang umaagos ang mga luha sa mata.
Napayakap ito kay Dr. Faraday kaya't gayon din ang sinukli nito kay Mom. Napabuka pa ng bibig si Dr. Faraday na animo'y hindi handa sa pagyakap sa kaniya ni Mom.
Napatingin na lang kami sa kanila habang nakaupo sa buhangin. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan na nakatawag ng atensyon ni Ellina.
"Ayos ka lang Zyck?" tanong ni Ellina.
"Yeah, I'm fine..." sagot ko.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at pinagmasdan ang mga taong lumalangoy pa. Nakita ko rin ang unti-unting paglamon ng apoy sa camp ng mga Aliens.
"What's next? Aalis na ba tayo?" tanong ko sa kanilang lahat kaya't napatingin sila sa akin.
"Yes, we knew now where we exactly attacked the Asymptote Universe, kaya't kailangan na nating umalis," sabi ni Mom. Kumalas na rin ito mula sa pagkakayakap kay Dr. Faraday.
"Ummm..." sagot ko kasabay ang pagtango ng aking ulo.
"Let's go!" aya ni Dr. Faraday at nauna na ngang maglakad.
Napangiti na lang kami sa kaniya habang sumusunod.
"Paano ang mga taong ito?" tanong ni Matt saka itinuro ang mga taong nakahiga sa buhangin at bumabawi ng lakas.
"They're safe here Matt. Wala ng Camp ang mga Aliens, destroyed na rin ang mga Cyborgs kaya't wala ng makakapanakit pa sa kanila rito," sagot ni Mom kay Matt.
"Waoh! Kung gano'n re-revive na lang talaga ang Earth na ito? Ibig sabihin po ba nito wala ng tao sa Asymptote Universe?"
"Oo, wala nang tao doon liban na lang sa mga ABIs na dinisenyo na sa lugar na iyon," paliwanag ni Mom.
"Cool," sagot naman nito.
"Tara na naiwan na tayo ni Frances oh," sabi ni Mom sabay turo kay Dr. Faraday na noo'y nasa malayo na na animo'y may kinakausap pa.
Pero bigla ring napahinto ng mapansing hindi kami nakasunod sa kaniya. Napalingon ito sa amin kaya't napahalakhak kami ng bahagya.
"Halika na nga kayo!" aya nito sa amin.
Lumapit kami sa kaniya at sumubay na sa paglalakad.
"Sinong kausap mo Dad?" pang-aasar ni Ellina sa Ama nito. Bahagya pa itong napangisi ng kaunti na agad naman naming sinundan.
Napatikhim ito kaya't naging seryoso kaming bigla pero patago pa rin kaming napangisi sa kaniya.
Ilang sandali ay napunta na nga kami sa aming mga motorsiklo na sinakyan bago kami pumasok sa kampo ng Aliens.
Lumulan kami at tinadyakan na agad ni Dr. Faraday ang Kickstarter ng motor na mabilis namang umandar. Gano'n din ang ginawa ni Mom na nauna ng umalis kaysa sa amin.
Hinawakan na ni Dr. Faraday ang clutch ng motor at saka inapakan ang primera kaya't nakaalis kami sa lugar. Sumunod na lang kami kina Mom.
Halos wala kaming mapaglagyan ng aming kasiyahan. Hindi namin inaakalang magtatagumpay kami kahit na wala kaming specific na plano.
Minsan talaga kahit wala kang plano sa isang bagay basta mayroon ka lang dedikasyon, tiyak ang tagumpay mo. Samahan mo na rin ng pagsisikap at pagkilos kahit na hindi mo predictable ang magaganap.
Ilang oras lang ay nakarating kami sa kinatatayuan ng Campsite.
Agad kaming bumaba sa aming motorsiklo at nagtungo na sa pinto ng Camp.
Nang matapat kami sa pinto ay agad na pinindot ni Dr. Faraday ang code at bumukas na ang pinto. Bumaba kami sa square tunnel at masayang naglakad patungo sa loob ng Campsite.
Ilang sandali ay nasa harap na kami ng mga taong nasa loob ng camp kasama namin.
Napatingin silang lahat sa amin nang mapansin nila kami at natahimik bigla.
"Mga kasama! Nagtagumpay kami! Napabagsak namin ang Camp ng mga Aliens!"
Nang marinig nila iyon ay bigla na lang silang nagsigawan at nagyakapan. May ilang naiyak sa tuwa nang marinig nila ang mga iyon.
"Salamat!" sabi nila sa amin.
"Sa wakas, makakabalik na rin tayo sa pamumuhay natin," sigaw ng ilan.
"Oo mga kasama... Malapit na nating mabawi ang Earth, subalit may isa pa tayong problema," si Mom na ang nagsalita kaya't napatigil silang lahat at muling tumingin sa aming lahat.
"Ano iyon? Hindi pa ba tapos?" tanong ng isa sa kanila.
"Hindi pa tuluyang napabagsak ang mga Aliens, buhay pa rin abg ginawa nilang mundo. Hindi namin batid kung saan nagmumula ang source nito," sabi ni Mom.
Biglang naman silang nag-ingay at tila biglang nabahala sa mga nalaman.
"Pero, huwag kayong mag-alala sapagkat alam na namin kung paano ito maipababagsak," sabi ni Dr. Faraday.
"Pero hindi pa tayo tiyak," may pangamba sa tinig na iyon ng nagtanong.
"Oo pero, gagawin namin ang lahat upang tuluyang maipabagsak ang Asymptote Universe. Sa ngayon, ligtas na tayo sapagkat wala ng mag-a-abduct sa atin sa labas ng Earth," paliwanag ni Dr. Faraday.
"Talaga?!" sigaw nilang lahat na animo'y nabuhayan ng loob.
"Oo, kaya't kung gusto niyong lumabas ay pinapayagan ko na kayo."
Nanlalaki ang mga mata nilang lahat at kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pagkasabit na makalabas.
Bigla na lang tumakbo ang isa sa kanila at dali-daling pumunta sa square tunnel patungo sa ibabaw.
Nagsunuran na rin ang iba kaya't napatabi na lang kami. Sabik na sabik ang mga ito sa paglabas.
Lahat sila ay lunabas nang campsite at walang natira.
Napabuntong hininga na lang si Dr. Faraday ng makita ang biglaang pagkakaroon ng malaking space sa lugar. Nakakapanibago!
Wala ng taong naiwan sa loob liban sa aming lima.
"Let's go," aya ni Mom.
Nauna na siyang maglakad patungo sa pintuang gawa sa Bricks. Siya na ang pumindot sa isa mga bricks at biglang bumaon iyon.
Tulad ng nauna ay nahawi ang mga ito hanggang sa nagkaroon ng pinto. Pumasok kami sa loob.
"S-saan kayo galing?" isang boses ang nagpahinto sa aming lahat.
Nang tignan namin kung sino iyon ay nanlaki na lang ang aming mga mata.
"Cedric!" sabay naming sigaw ni Matt.
"Gising ka na Kuya Ced!" si Ellina.
"B-akit basa kayong lahat? A-anong nangyari?" kunot noo nitong tanong.
"Sinugod namin ang kampo ng mga Aliens dito sa Earth!" sabi ni Matt na nagpalaki ng mata ni Cedric.
"D-dito?!"
Tumango kaming lima ng sabay-sabay. "At nagtagumpay kayo?"
"Oo, nagtagumpay kami kahit walang plano! Nakaka-proud feeling ko ang galing-galing ko na kasi biruin mo nagtagumpay kami kahit lima lang kami," mahabang paliwanag ni Matt sa kaniya.
"Wow. Great! Congrats!"
"Maayos na ba ang lagay mo?" tanong ni Mom sa kaniya.
"Yeah Ma'am Britty. Thank you," sagot nito.
"Mabuti, sapagkat ngayon. Magpa-plano na tayo sa pagsalakay sa Asymptote Universe," sabi ni Mom.
"Alam niyo na kung paano maipababagsak an gAsymptote?"
Tumango kami ng sabay-sabay na animo'y nag-usap. "Wow, daya naman dapat kasama ako sa pag-atake sa Camp ng mga Aliens!" Umarte ito na parang nagtatampo.
Napangiti na lang kami sa kaniya sa naging reaksyon niya. Pero, bigla rin itong napangiti sa amin kaya't bigla lumapit ni Matt sa kaniya at yumakap ng mahigpit kahit basa ang damit nito.
"Ano ba Matt basa ka eh!" sabi nito.
Sumunod na rin kami sa pagyakap sa kaniya kaya't wala aiyang nagawa kung hindi ang yumakap na rin sa amin at hinayaan na lang kami kahit mababasa siya.
----