Chapter Nineteen
Inilibot ko ang mata ko sa kabuoan ng Craft. Bilog ito na animo'y plato na may transparent glass sa i-taas. Kakasya kaming lima sa loob kung tutuusin. Hinawakan ko ang craft at ramdam ko ang katigasan nito dahil sa gawa ito sa purong metal.
"Paano natin ito bubuksan? Wala namang switch?" tanong ni Matt saka inilibot ang mata sa buong craft.
"Hihintayin nga nating may dumating..." sabi ni Ellina.
Napatingin sa kaniya si Matt. "Tapos?"
"Then, we will watch them how to open this craft," sabat ni Dr. Faraday.
"May paparating," halos pabulong na tinig ni Matt sa amin.
Nataranta kaming lahat at isa-isang umalis sa harapan ng ship.
"T-tago," sabi ni Mom.
Isa-isa kaming humanap ng pwesto para i-tago ang aming mga sarili. Hanggang sa mapadpad kami sa kumpol ng mga sirang metal.
Agad kaming nagtago at sumilip ng kaunti sa craft at upang makita na rin ang Cyborg sa kanilang gagawin.
Maya-maya lang nga ay sang Cyborgs ang nagtungo sa lugar na kinaroroonan namin. Nakasilip lang kaming lahat at nagmamanman sa Cyborgs mula sa pinagtataguan naming metal. Ilang metro lang ang layo nito mula sa Cyborg, subalit hindi na mahahalatang naroroon kami sa posisyon ng Cyborg ngayon.
Doon ako unang nakakita ng Cyborgs ng personal. Iba't-ibang kulay at laki ng kuryente ang nasa likod nito na aakalain mong mga host. Iyon na yata ang nagsisilbing buhay niya.
May ulo itong mukhang tao, subalit may kamay naman itong robot. Maging ang kaniyang dibdib at paa ay gawa sa bakal at tumutunog ang mga ito sa tuwing hahakbang na sa lupa.
Nagpatuloy ito sa paglalakad at sandaling nahinto nang matapat sa craft.
Tila yata parang naramdaman niya ang presensiya naming lahat kaya't i-nilibot nito agad ang kaniyang mga mata sa buong lugar. Napayuko naman agad kami upang hindi niya kami makita.
Nang masigurado naming hindi na ito nakatingin sa amin ay muli kaming nag-angat ng aming mga ulo. Nang makita namin iyo ay nakaharap na ang Cyborgs sa craft sa harap niya ngayon.
May pinindot siya sa cover ng Craft. Napalaki na lang ako bigla ng mata ng biglaang bumaliktad ang metal na cover nito at nito at lumitaw ang mga number codes sa kaniya.
Nagkatinginan kaming lahat sa aming mga nasaksihan. Tila nagkakasundo kaming lahat sapagkat sabay-sabay pa kaming nangiting lahat.
Nang muli naming tignan ang Cyborg ay ia-isa niyang pinindot ang mga button saka biglaang tumunog at nagbuga ng puting usok ang craft. Bumukas ang parte ng craft malapit sa kinatatayuan niya kasabay ang pagbuga ng kulay puting usok. Sinusundan lang namin siya ng tingin.
Pumasok sa loob ang Cyborg kaya't napatayo kaming lahat. "Follow me," sabi ni Mom.
Nanlaki ang mga mata namin ng biglang lumakad si Mom patungo sa Cyborg. "Mom, what are doing?"
Namgunot na rin ang mga noo ni Dr. Faraday, Ellina at Matt.
Hindi lumingon sa amin si Mom, bagkus nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad at inilabas ang stick na bigay sa kaniya ni Dr. Faraday.
Wala kaming nagawa kun'di ang sumunod na lang sa kaniya. Pumasok rin ito sa loob ng craft. Biglang pumintig ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam ang mga pinaplano ni Mom. Maayadong mapanganib saka hindi normal na tao ang kaaway namin dito. Mabuti sana kung nasa Asymptote Universe kami ay magagamit namin ang aming kakayahan, subalit hindi eh. Nasa real world kami at alam kong wala akong kalaban-laban sa mundong ito sapagkat isa lang akong normal na nilalang at isang teenage boy na hindi ba fully developed tulad nina Dr. Faraday at Mom.
Pumasok kaming lahat sa loob at bigla kong naramdaman ang malamig na temperatura na bumalot sa buo kong katawan. Nanindig bigla ang aking balahibo sa kamay.
Walang gumawa ng ingay sa in habang papasok sa loob. Doon ko napagmasdan ang silid. Para itong makita ng motor. May mga alon-alon ang dingding na gawa sa bakal at ang lawak ng loob nito. Pa-spiral ang animo'y tunnel na daan patungo sa center ng craft.
Nauna si Mom sa amin, sunod si Dr. Faraday, Ako, si Ellina at Matt.
Nakasandal pa kami sa dingding upang hindi kami mapansin ng Cyborg na sinusundan namin.
Biglang tumunog ang pinto at nagbuga na naman ito ng puting usok. Tuluyang sumara ang pintuan.
Napalunok na lang ako ng laway saka muling i-tinuon ang tingin sa aming harapan.
Narating ng Cyborg ang center at naupo sa harapan kaharap ang transparent glass. Doon ko napagtanto na ang transparent glass pala ay screen na rin ng computer sa loob.
Dahan-dahang lumapit si Mom ng hindi napapansin. Agad niyang itinutok ang stick na hawak niya.
Nang maramdaman ng cyborg ang stick lumingon ito pero huli na, biglang pinindot ni Mom abg button sa stick at isang electric voltage ang tumama sa cyborg. Biglang nag-spark ang katawan nito at tumunog na parang radyong naghahanap ng channel.
Isang mahinang pag-sabog ang nagmula sa cyborg. "Come here guys, sumabog na ang CPU ng Cyborg. Where safe," aya sa amin ni Mom.
Naupo agad ito sa isang round chair. Iisang button lang ang nasa loob at manubela lang na animo'y kumbyada lang ng sasakyan.
"Paano ito paliliparin?" agad na tanong ni Matt.
Nagkatinginan kaming lahat. "Wala man lang ba manual ito?" dagdag niya pa.
"I believe, that one in there is the starting the engine button," Dr. Faraday.
Napahawak si Mom sa manubela sa harap niya. "I'll do," sabi ni Mom.
Pinindot ni Mom ang button at bigla na lang nag-vibrate ang buong craft. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong lugar.
Napangiti kaming lahat habang isa-isang nagkakatinginan.
Biglang hinawakan ni Mom ang animo'y kambyada at hinila iyon pataas. Ramdam ko ang biglaang pag-angat ng craft sa himpapawid.
"We did it!" bungad ni Dr. Faraday.
Unti-unting umangat ang sinasakyan namin at umabot na hanggang sa makapal na usok. "Wala akonv makita!" sabi ni Mom.
"The radar up there! Look!" I said .
Itinuro ko kay Mom ang radar na nasa salamin ng craft.
"I got it. I can timing the craft!" she explained.
Pina-angat niya pa ito lalo hanggang sa umabot kami sa pinakataas na bahagi ng kaulapan. Nalampasan namin ang maitim na usok at bigla na lang kaming napanganga sa sunod naming nasaksihan.
"Wow. Ang ganda ng araw," sabi ni Matt.
"Totoo ba ito?" It's Ellina.
"This isn't artificial right? Totoong araw iyan?" hindi ko makapaniwalang sambit.
Nasa itaas pala ng maitim na usok nagkukubli ang haring araw at tirik na tirik ito. Napakaganda nitong pagmasdan.
Natahimik naman sina Dr. Faraday at Mom sa kanilang nasaksihan.
"Ready!" said by Mom.
"Why?" I said.
"Hold on tight everybody, let us gonna crash this on the Aliens camp!"
"Huh?!" sabay-sabay naming sambit.
Gayumpaman, isa-isa kaming humawak ng mahigpit.
Muling pinababa ni Mom ang craft sa Manila bay kung saan kami nanggaling.
Pumasok kaming muli sa mausok na lugar at hindi nga nagtagal tumbad na sa amin ang kampo ng mga Aliens.
"Mom! There's another button up there!" Itinuro ko ang button sa itaas na parte ng transparent glass ng mapansin ko ito.
Hindi ko alam kung para saan ito, pero pinindot iyon ni Mom.
Biglang yumanig ang buong craft at lumabas mula sa katawan ng craft namin ang tubo ng mga b***l.
Napatingin ako sa itaas na parte ng craft na sinasakyan namin. Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang napalunok pa ako ng aking laway sa aking nakita.
Kitang-kita ko sa screen sa itaas kung saan naka-flash ang radar na may mga paparating na spacecraft at alam kong mula ito sa mga cyborgs sa ibaba.
"Mom! M-may mga Cyborgs!" I shouted.
"How to fire them!" tarantang sambit ni Mom habang hindi inaalis ang tingin sa unahan niya.
"There Mom, beneath you!" I shouted.
Patuloy kami sa pagbulusok patungo sa kampo ng mga Aliens.
"Ayan na sila!" sigaw ni Matt.
Bigla silang nagpaulan ng bala sa aming saksakyan mabuti na lang at nahihilagan ni Mom. Mabilis ang aming takbo at kitang-kita sa paligid ang pagdaan ng laser light mula sa tubo ng mga craff mula sa kaaway namin.
"Ako na pong bahala sa b***l!" presenta ni Ellina.
Naupo siya katabi ni Mom at hinawalan ang button sa ilalim ng paa ni Mom.
Pinidot niya iyon at lumabas nga mula sa craft namin ng mga laser light.
"It works Ellina! Sige pa, paulanan mo sila!" sigaw ni Matt.
Napangiti na lang ako sa pangyayari hindi ko alam kung paano pa namin nalalagpasan lahat ng ito sa kabila ng lahat.
Patuloy sa paghilag si Mom, habang si Ellina naman ay patuloy sa pagpindot mula sa baba.
"Sandali nga, wala akong makita," Ellina murmured.
Bahagya itong tumayo at sumilip sa mga Craft na ginagamit ng mg kaaway namin. Tatlo ang humahabol sa aming mula sa himpapawid.
"Gotcha!" sigaw ni Ellina.
Isang pindot ang pinakawalan niya at lumabas mula sa tubo ng aming sinaskyan ang mga laser light.
Mabilis iying tumama sa dalawang craft at tuluyang nawasak ang mga ito.
Isa na lang ang natirang humahabol sa amin.
Nang mapatingin kami sa baba. Napalunok na lang lami nga aming mga laway. Halos animo'y langgam na ang nasa baybay ng Manila bay. Mga cyborgs hawak ang kanilang mga b***l at itinitutok ito sa amin.
"Mom!" I shouted. "Anong ginagawa mo! Bakit mo pa inilalapit sa mga cyborgs! Mom!" sigaw ko.
Napalunok na lang ako ng aking laway kasabay ang pagpintig ng aking puso ng mabilis. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang plano ni Mom.
"s**t! Hindi ko maasinta ang sumusunod sa atin!" sigaw ni Ellina.
"Akong bahala may Dear. May plano ako," sabi ni Mom.
Bigla itong napangisi. Hindi na pina-zigzag pa ni Mom ang takbo ng aming craft. Steady na ito ngayon.
"Come on! Fire us now!" sabi ni Mom.
"Ellina,paulanan mo ng bala ang mga nasa baba kapag malapit na tayo okay?" paliwanag ni Mom.
"Got it!" sabi nito.
Kanina ko pa napapansin sina Matt at Dr. Faraday sa kinatatayuan nila. Tulala na silang dalawa at tila hindi n alam ang kanilang gagawin. Halos napipi na ang mga ito.
Bigla na lang nag-vibrate ang craft na sinasakyan namin. Isang laser light ang sumagi sa parte ng craft na nagmula sa isa pang craft na humahabol sa amin. Mabuti na lang at hindi na-sentro.
Lumapit pa si Mom sa mga Cyborgs. "Now!" sigaw ni Mom.
Pinindot ni Ellina ang button na hawak niya at bigla na lang umulan ng bala sa mga Cyborgs. Nag-spark ang mga ito sa tuwing matatamaan sila, pero hindi pa rin sila nauubos.
Muling ipinaangat ni Mom sa himpapawid ang craft habang ang isa pang craft ay patuloy na kami ay pinauulanan. Mabuti na lamang at hindi iyon tumatama sa sasakyan namin.
"Ako naman!" sigaw ni Mom. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, nakatingin lang kasi ito sa harapan niya.
"Habol!" sigaw ni Mom.
Biglang bumilis ang takbo namin. Kitang-kita ko ang craft mula sa likod naming humahabol at ang bilis din nito.
"Hito na!" sigaw muli ni Mom.
Bigla niyang pinaangat ang sasalyan namin dahilan kaya nauna ang craft na sumusunod sa amin. "Fire!" sigaw ni Mom kay Ellina.
Sinunod naman agad siya ni Ellina at agad nga iyong tumama sa katawan ng craft at sumabog.
"Yes!" sabay naming sigaw ni Matt.
"Guys be ready!" banta ni Mom sa aming lahat. "Kapit!" dagdag niya pa.
Bumilis muli ang aming takbo, hanggang sa matanaq namin ng kampo ng Aliens. Diretso lang si Mom at alam kung ika-crush niya ang sasakyan namin sa building na gawa ng mga Aliens.
"Ahhhh!" sabay-sabay naming sigaw hanggang sa tuluyang sumagi ang sasakyan namin sa building at nabutas ito.
Dumikit ang sinasakyan namin at tumuyang bumaon sa loob ng building.
Umusok ang buong craft kaya't dali-dali kaming umalis sa lugar.
Nagtungo kami sa pintuan ng craft. Awtomatiko itong bumukas ng matapat na kami roon. Sensor yata ang gamit nila sa pinto nang craft na ito.
Lumabas kami sa craft at puting dingding at kisame ang tumambad sa aming lima.
Ang flooring ay gawa sa salamin. Napabuka na lanv ang aming mga bibig habang pinagmamasdan ang buong paligid.
"We have to fine the main sources of this camp. Kailangan mai-shutdown natin lahat ng cyborgs bago pa sila umatake sa atin," paliwanag ni Mom.
Nagsimula na kaming maglakad sa buong lugar at sumilip sa mga silid pero wala kaming makita. Puro walang laman ang mga ito.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa bigla na lang kaming mapahinto ng mag-flash sa harap namin ang isang hologram.
"Ops!" sabi nito kaya't napatigil kaming lahat.
Mas lalo kaming nagulat kung sino ang na-form ng hologram.
"Dad?"
"Zackaria?"
"Sino?"
"Totoo?"
Si Dad ang hologram. Paanong nangyari ang lahat ng ito? Bakit?
Nangunot bigla ang mga noo ko. Si Mom naman ay bigla na lang napahawak ng kaniyang labi.
"Zackaria, honey!"
"Zackaria The AI at your service, may I help you?"
"Honey, do you remember me?"
"Dad, kami ito... Zyck! Ako si Zyck anak mo!" I shouted.
"He will never recognize you guys," sabi ni Dr. Faraday.
"Zackaria," sabi ni Mom. The tears are visible now on her face. "I don't know what they did to you, but I wanna say I love you. If you aren't remember us, please do us help," paliwanag ni Mom.
Tila biglang napaisip ang hologram na nasa harap namin at bigla na lang nag-glitch.
"What help?" walang emosyong sabi ni Dad.
"Shut the Cyborgs!" utos ni Dr. Faraday. "Destroy their system!" dagdag pa nito.
"The system preparing..." sabi nito sa aming lahat. "Initiating..."
"System destroy."
Mula sa labas rinig namin ang mga pagsabog. Bigla ring nag-glitch ang hologram.
"One more thing, Zackaria. Can you destroyed the Asymptote Universe?" utos ni Dr. Faraday.
"Sorry, but this wasn't connected to the System of Asymptote Universe, but if you want to shut the place you need a stong current which can shut the Asymptote Universe on the main source of it."
"Where that source is?" tanong ni Mom.
"The Tower..."
Nanlaki bigla ang aming mga mata sa aming mga narinig.
"Did you know where the put the people they abducted?" sunod na tanong ni Dr. Faraday.
"Yes. They are under of this camp. But, you have to be careful the AI there was strict."
Nagkatinginan kaming lahat. "Thank you, Zackaria."
Ngumiti lang ito sa aming saka tuluyang nawala sa harapan namin.
Nagsimula kaming maglakad sa kahabaan ng silid. Wala na kaming dapat katakutan pa sapagkat nasira na ni Dad and mga Cyborgs. Hindi ko alam kung anong nangyari at naging AI na si Dad. Sino ang gumawa noon sa kaniya. Ang sabi sa akin ni Mom nasunog na ito sa kampo namin ngunit bakit naging hologram ito?
Gusto kong malinawan, ang dami kong tanong na si Mom lang ang makasasagot.
Ngayon, alam na namin ang makakapag-shut down sa Asymptote Universe at maibabalik na namin sa normal ang lahat. Ngunit kung hindi ito ang main camp ng mga Aliens, nasaan? Hindi kaya isa lang ito sa napakarami nilang camp?
"There is an elevator!" turo ni Dr. Faraday.
"Let's go!" I replied.
"Iyon ba iyong tatay mo Zyck?" agad na tanong sa akin ni Matt.
Papalapit na kami ngayon sa elevator. Tumango lang ako kay Matt bilang pagsang-ayon.
"Cool!" sabi nito. "Paano siya naging hologram?"
"Hindi ko rin alam, ang alam ko lang namatay na siya sabi ni Mom." Napatingin ako kay Mom at nagtama ang aming mga mata.
Mahina akong ngumiti at gayon din ang sinukli niya.
"Gano'n ba?" pagsang-ayon nito.
"Ummm..." sagot ko kasabay ang pagtango.
Naglakad pa kami ng ilang hakbang hanggang sa tuluyan kaming lumulan ng elevator. Gawa sa salamin ang elevator kaya't kitang-kita ang buong lugar habang pababa kami sa ground kung saan sinabi ni Dad.
Pagdating namin ay awtomatikong bumukas ang pinto kaya't sabay-sabay kaming lumabas.
Isang pinto ang tumambad sa aming lahat. Nang makalabas kami sa elevator ay bigla naman itong sumara.
"Ops!"
"Zackaria," sabi ni Mom.
"Beware! Upon entering this door I'm no longer there. Each AI had its mark tiratory, and my system are not handling that next door. Good luck and keep safe!" sabi nito bago tuluyang nawala.
Tumango na lang kami sa naglakad na patungo sa pintuan. Pagkatapat namin sa pinto ay bigla na lang itong bumukas kasabay noon ay ang pag-ilaw ng mga patay na bumbilya isa-isa na nagbigay ng liwanag sa buong lugar.
"Wow..." sabi ni Matt.
Napabuka na lang ang aming mga bibig sa aming mga nasasaksihan.
Libo-libong tao ang nakahiga sa buong silid at nababalot ng tila bula. "Andito nga silang lahat!" sabi ni Ellina.
Napangiti kami habang nagmamasid sa buong paligid.
Walang mga malay ang lahat at mahimbing na natutulog.
"May computer roon?" Tinuro ni Matt ang isang table na may mga computer.
Lumapit kami agad sa table. "Ellina? Can you do this?" sabi ni Dr. Faraday.
Siya lang kasi ang expert pagdating sa ganitong bagay at bisado niya ng computers kaysa kay Matt.
"Ummm... I will try Dad. Susubukan ko," sabi nito at tuluyang harap sa computer.
Sinimulan niyang kalikutin ang mga keyboard at kung ano-ano ang mga pinagpipindot. Hindi ko talaga alam kung ano ang mga ito, pero alam kong alam ni Ellina ang ginagawa niya.
"Oh. Parang tulad lang sa atin ang ginawa nila."
"Paano sila maibabalik dito?" tanong ko kay Ellina.
"We have to disconnect the cord attached on them."
"Hindi ba delikado ito? Baka matulad sila kay Zyck dati na nawalan ng memorya," sabat ni Matt.
"No, I can fix this," sabi ni Ellina saka napangisi.
Nakatingin lang siya sa monitor
Pinagmasdan lang naming ang ginagawa niya hanggang sa bigla na lang lumawak ang mga kurba sa kaniyang labi.
"I fix it," sabi nito. "I disconnected the Cord!"
Napabuka na lang ang aming mga bibig habang nanlalaki ang aming mga mata.
She pushed the Enter button. Bigla namang nahiwalay sa kanilang lahat ang mga cables na naka-attached sa kanilang ulo. Na Awtomatikong natupi. Tila bigla namang pumutok ang mga bula na nakabalot sa kanila.
Unti-unti namang nagkakamalay ang ilang sa kanila at luminga-linga sa buong paligid. Hanggang sa isa-isa na nga silang nagkakamalay.
"This place has been ordered to terminate and shut down in 20 minutes." Biglang umalingawngaw ang boses ng babae sa buong paligid.
Nanlaki ang mga mata ni Dr. Faraday at tila may hinanap sa buong lugar.
Humalakhak ang boses babae sa buong paligid. Tila parang nanigas naman si Dr. Faraday sa kaniyang kinatatayuan.
"Tara na, sasabog ang lugar!" sigaw ni Matt.
Isa-isang nagsitakbuhan ang mga tao sa loob at nagtungo sa kinaroroonan namin.
Sumakay kaming sa elevator at sumunod na ang ilang sa amin.
Iilan lang ng kasya sa elevator kaya medyo natagalan kami. Nang makalabas kami ay agad kaming nagtungo sa kinaroroonan ng aming craft na sinadyang i-crash.
Sumunod na ang mga tao sa amin at balot na balot itong ng takot. Kitang-kita at ramdam sa mga ikinikilos nilang lahat.
"The camp will be explode in 10," sabi ng AI na babae.
"Takbo!" sigaw ni Dr. Faraday.
Kaya napatakbo sila ng mabilis.
"9..."
"Kaya niyo bang tumalon?" sabi ni ni Dr. Faraday. Tumango na lang kaming lahat. Wala na rin kaming iba pang choice.
"7..."
Tumalom kaming lima ng sabay-sabay at bumagsak sa tubig.
Sumunod na rin ang iba sa pagtalon hanggang sa bigla na lang sumabog ang ilang parte ng camp.
Lumangoy kaming lahat patungo sa pampang at nahiga na lang sa buhanginan upang habulin ang hininga. Napapikit na lang ako ng aking mata habang may mabigat na paghinga. Ramdam ko ang mainit na hangin mula sa aking ilong.
Hanggang sa isang malakas na pagsabog ang gumulat sa lahat. Tuluyan na ngang nawasak ang camp ng mga Aliens.
Napangiti na lang kaming lahat. Animo'y musika ang aming naririnig na pagsabog.
-----