ALIEN'S HIDEOUT

1165 Words
Chapter Eighteen "You guys ready?" tanong ni Dr. Faraday sa aming lahat. It's been three days ago since my Mom and Dr. Faraday found where the Aliens hid here at the Earth. Ang naging plano naming lahat ay pumunta sa mismong hideout ng mga Aliens at walang specific na gagawin. Medyo may pag-aalinlangan pa nga sila sapagkat wala kaming katiyakan sa gagawin 50:50 ang ratio. Ang hirap ng sitwasyong ito. Walang plano sa pagsugod baka mauwi kaming lahat sa wala at pagkatalo. But, I can do nothing. Sila ang masusunod sa lakad na ito. Sila ang mas nakaalam. Heto nga kami at handang-handana na sa paglalakbay sa ibabaw ng Earth. Tatlong araw na ring hindi pa nagkakamalay si Cedric. Hindi namin alam kung bakit. Sabi ni Dr. Faraday mas okay na rin day iyon para makabawi ng tuluyan si Cedric ng kaniyang lakas. "Dad, kailangan niyo pa ba talagang sumama?" nag-aalalang sambit ni Ellina sa ama. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa. "Yes, Ellina. I have to... I want to be the part of this mission." "But, you already are, Dad. Nag-aalala lang po ako sa inyo," paliwanag ni Ellina. Napatingin ako kay Mom at nagtama ang aming mga mata. Alam kong alam niya ang gusto kong sabihin. Ngumiti lang siya sa akin at lumapit ng bahagya. Yumakap ito nang mahigpit at hinagkan ako sa aking noo. "We will do this together hmmm," mahinang paliwanag nito. Ngumiti na lang ako kay Mom at tumango bilang sagot. Alam kong hindi ko mapipigil si Mom. "Kaya ko, Ellina. Ikaw ang inaalala ko dahil masyado ka pang bata para rito," sagot ni Dr. Faraday kay Ellina. Napabuntong hininga si Ellina. "It doesn't matter, Age are just the numbers, but I'm mature enough na Dad. I can take care of my self na," sabi ni Ellina. "Si Cedric po ba maiiwan lang dito nang walang malay?" sabat ni Matt kaya't napatingin kaming apat sa direksyon niya. "Yes, Matt. In fact, there's no bad will happened to him as long as he is here," sagot ni Dr. Faraday. Napatango na lang ito kay Dr. Faraday bilang pagsang-ayon. "Let's go," yaya ni Dr. Faraday sa aming lahat. Isa-isa kaming sumunod sa kaniya. Dala namin ang isang stick na inbensyon ni Dr. Faraday. Ito ay ang stick na naglalabas ng sobrang lakas na voltage ng kuryente. Narating namin ang pintoang gawa sa mga bricks. Agad may pinindot si Dr. Faraday at nahawi isa-isa ang mga ito. Paglabas namin sumalubong agad sa amin ang mga taong nasa loob ng camp kasama namin. "Mag-iingat po kayo Doktor," sambit ng isa sa mga taong nakasalamuha namin. "Salamat, huwag kayong mag-alala sapagkat nababawi rin natin ang ating sariling mundo buhat sa mga ganid na tao," psliwanag ni Dr. Faraday. "Aasahan ho namin iyan Doktor," sagot ng ilan. Tumango na lang si Dr. Faraday sa kanilang lahat. "Paano... Aalis na kami mga kasama." "Mag-iingat po kayo, nawa'y magtagumpay po kayo sa misyon niyo Doktor." "Maraming salamat." Inilibot ni Dr. Faraday ang kaniyang mata sa buong tao na nasa aming harapan upang magpakita ng suporta. Namumutla at payat na ang ilan sa kanila. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Hindi ako sanay may makitang naghihirap habang ang ilan ay sobra-sobra ang natatamasa. Napaka-unfair ng sitwasyong ito.. "Tara na," aya ni Dr. Faraday sa amin. Tumalima kami at agad na sumunod kay Dr. Faraday. Lumabas kami patungo sa kumpol ng mga tao hanggang sa mapunta kami sa square tunnel paakyat sa taas. Ilang sandali lang ay nasa ibabaw na kami ng mundo. Walang pinagbago, sirang-sira ang buong lugar at wala ng mapakikinabangan pa. "Wala po bang ibang paraan para makarating tayo ng mabilis sa manila bay?" tanong ni Matt habang nililibot ang mga sa mga sirang building. "Mayroon, manghahanap tayo ng mga sasakyan nanakaparada sa loob ng bahay. Tiyak, ayos at gumagana pa ang mga ito," paliwanag ni Mom. "Yes, Britty was right," pagsang-ayon ni Dr. Faraday. "Simulan na po nating maghanap," sambit ko sa kanilang lahat. Naglakad kami at naghanap ng mga masasakyan. Wala kaming mahanap na maayos sapagkat halos kalawangin na ang mga ito. Nagpatuloy pa rin kami sa paghanao hanggang sa matagpuan namin ang isang bintahan ng mga motorsiklo. "Ito... Gumagana pa kaya itong mga ito?" tanong ni Matt. Lumapit kaming lahat sa mga ito. May tatlong nakaparada at mukhang maayos pa ang mga ito. Sinubukang paandarin ni Dr. Faraday ang isa at bigla nga iyong gumana ng tadyakan niya ang kick starter. "Pero, hindi po kami marunong gumamit niyan eh, hanggang video games lang ako," paliwanag ni Matt. "Ako. I can ride this," presenta ni Mom. "Ako na sa isa," sagot ni Dr. Faraday. "Dalawa kami ni Ma'am Ellina, Dad. Tatlo na kayo nila Zyck," sabi ni Ellina. "Great... Ano pang hinihintay natin?" saad nito sa kaniyang anak. "Let's go!" Isa-isa nga kaming sumakay sa aming sasakyan. Tulad ng napagkasunduan nasa likod kami ni Dr. Faraday at siya ang nagmamaniho. Nauna kaming umarangkada at sumunod na lang sa amin sina Mom. Ilang oras rin ang ginawa naming paglalakbay. Napakaswerte namin at tila wala yatang mga cyborgs ngayon o spacecrafts man lang sa buong lugar. Makalipas ang ilang saglit ay napahinto si Dr. Faraday gayon din sina Mom mula sa likod namin. "What?" I asked. Nakabuka ang bibig ni Dr. Faraday ng itinuro niya ang isang lugar. Nandito na kami sa Bay. Nang tumingin kami roon ay gayon din ang aming naging reaksyon. Napalunok ako ng aking laway ng mapagmasdan ang isang lugar na kakilakilabot pagmasdaan. Ilang metro ang layo nito mula sa pangpang. May nakatayong isang parang tower at mah kidlat na tumatama sa dulo nito. Naglalabas din iyon ng usok na sumasakop sa buong kalangitan. Kaya pala hindi na sumisikat ang araw dahil sa usok ba ibinubuga nito sa kalawakan. Napakalaki nito at kulay itim ang kabuan. Gawa ito sa metal na bagay. Bumaba na sina Mom at Ellina at agad na tumungo sa kinaroroonan namin. "Waoh.... Ang laki nito," sabi ni Ellina. "What's the plan?" tanong ni Mom. Bumaba na rin kaming tatlo mula sa motorsiklo at pinagmasdan na lang sandali ang isang hindi maipaliwanag na istruktura sa aming harapan. "Hey! Look! The Craft? Why we aren't use that one?" "Sigurado ka Zyck?" saad ni Matt. "Yes, wala naman plano 'di ba? Sumugal na tayo dito!" I said. Walang umimik sa kanilang lahat. Nagkatinginan lang sila lahat. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano nila. "Tara," I said. Nag-aalangan pa silang tumango. Nakita ko lang lumunok ng laway si Matt. "Walang hihiwalay..." sabi ni Mom. Agad kaming umalis mula sa kinatatayuan namin at dahan-dahang pumunta sa kinaroroonan ng spacecrafts na malapit sa manila bay. Dahan-dahan kaming pumunta at naglakad. Hanggang sa maratung namin ang craft. Napabuka na lang ako ng aking bibig habang nakatingin. "Paano tayo papasok sa loob?" "We will wait for the Aliens to enter this," sabi ni Dr. Faraday. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD