CHAPTER 9

1857 Words
Chapter Nine IT'S BEEN three days when that night happened, Linggo ngayon at kasalukuyan lang akong nanonood ng mga kung ano-anong movie sa Netflix. I decided that I will be moving to Jessa's apartment, walang nakaka-alam, even Stanley doesn't know that I already left my apartment, hindi ko pa siya nakikita simula nang ma-ospital kaming dalawa ni Jessa. After he left, hindi pa rin niya ako kino-contact o kahit na magpakita sa opisina, hindi na lang ako umimiik, I shouldn't feel like this, iyong parang broken-hearted, wala naman kaming nakaraan. I looked at the wall clock on the side of the painting, it's already 4:20 PM, magluluto na ako maya-maya ng hapunan namin ni Jessa, tapos mamayang gabi, ipapagpatuloy ko pa ang paggawa ng tatlong powerpoint para sa Martes sa business meeting namin ni Stanley sa mga American investors, I need to perfect the presentation para makuha namin ang oo nila, this is the third time that I will be attending an investors' meeting with Stanley simula nang maging sekretarya niya ako. "Maria! Pwedeng ikaw muna dito? May pupuntahan lang ako." Sigaw ni Jessa mula sa taas. I creased my forehead before turning off the TV. Ibinalik ko na ang remote control sa tabi ng malaking TV bago naglakad paakyat sa kwarto ni Jessa, her apartment consists three rooms, ipinapagamit niya sa akin ang kwarto sa tabi ng kaniya, ang isa namang kwarto ay nasa baba, sa tabi ng C.R. "Saan ka ba pupunta?" Balik kong sigaw. Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan nang magbukas ang pinto ng kaniyang kwarto, revealing her wearing a white dress with a white flat shoes. "May date ka?" I teased. Naka-simangot siyang umiling bago inayos ang laylayan ng dress at inilipat ang bag sa kabilang kamay. "Tumawag sa ospital, they said, marami daw ang isinusugod ngayon at kulang na sa nurse at doktor, baka sa ospital na rin ako matulog at bukas na maka-uwi." I smiled at her before walking towards her. "Ayos lang na bukas ka umuwi, I can manage naman dito. By the way, magluluto muna ako para makakain ka bago magtungo sa ospital." Natataranta siyang umiling at tumingin sa suot ni wrist watch. "No thanks, just make sure that you'll lock the door, even the windows, tumawag ka sa akin sakaling magkaroon ng problema, kung bakit ba kasi ngayon pa nataong may nasunog na hotel diyan sa malapit, o, sige na, alis na ako ha?" Ngumiti ako ng pilit bago gumilid at inabot ang balikat niya. "Kaya mo iyan, gagawa pa ako ng powerpoint mamaya, oorder na lang siguro ako ng hapunan ko, tinatamad na kasi akong magluto." Napangiwi siya bago humakbang. "Magluto ka na lang, wala kang kasama dito kaya dapat pag-alis ko, i-lock mo na agad ang pinto, make sure na huwag kang magpapapasok at huwag kang magbubukas ng pinto, hindi kasi talaga ako uuwi ngayong gabi, okay?" Tuloy-tuloy na itong bumaba. "Bye! Ingat, Jessa!" "You too, bye-bye." Balik-sigaw nito. Nang marinig ko ang makina ng kotse at ang pagbusina ng kotse niya, bumaba na ako para i-lock ang pinto. Kapag tuluyan na akong tinamad, hindi na ako magluluto at kakain na lang ng mga instant noodles na naka-stock. Hihilahin ko na sana ang bakal na gate nang may malakas na bumusina sa harap. Napa-igtad ako at dagling binalot ng kaba ang dibdib ko nang malingunan ang isang hindi pamilyar na sasakyan. Kinagat ko ang aking labi bago tuluyang hinila ang gate, pero mas lalong lumakas ang busina at nag-maniobra pa ang driver palapit sa akin. Kumunot ang nuo ko nang tumigil ang makina ng kotse at bumukas ang pinto nito, I was startled when an unfamiliar and a beautiful lady came out from the car. She gracefully walked towards me, sporting a simple white T-shirt and a jeans, and a Gucci sports shoes on her feet, bigla akong nanliit sa postura nito. Napapitlag pa ako ng ngumiti sa akin ang magandang babae bago humawak sa bakal na gate. "Hi, Ms. Guzman!" She chirped. Napa-tikhim ako bago ngumiti pabalik. "Hi, um...a-ano, ano pong kailangan ninyo?" Napanguso ito bago inilibot ang tingin sa buong lugar. "Nandito ka lang pala, nagpapakahirap pa si Kuya na hanapin kung nasa'n ka." She sighed. "Pwede bang makausap ka?" Kusang tumango-tango ang ulo ko. "Oo naman, pwede ko ba munang malaman ang pangalan mo?" She smiled genuinely bago inalis ang pagkakahawak sa gate. "I'm Haserilla White, little sister of Stanley White, and you're Ms. Maria Guzman, right?" Nanlaki ang mga mata ko bago mabilis na binuksan ang gate at naka-ngiwing tumingin sa kaniya. "Sorry po, Ma'am! Pasok ka po muna!" Binuksan ko ng malaki ang gate at ngumiti sa kaniya. Tumango naman ito bago bumalik sa kotse at pinaandar ito papasok. Nang tuluyan nang makapasok ang sasakyan niya, I immediately locked the gate at sumunod na sa kaniya sa garahe. "Ms. Haserilla, pasok na po kayo!" Masigla kong tawag bago binuksan ng malaki ang front door. She smiled. "Just call me Hase, po. I mean...you're my Kuya's boyfriend, right?" Malakas akong napa-tikhim bago binasa ang aking labi at nahihiyang umiling. "Hindi po, Ma'am." "Ayts. Sabi ko, Hase na lang, tapos Ate Maria na ang tawag ko sa'yo, my future sister-in-law!" Hindi na ako naka-angal nang tuloy-tuloy na itong pumasok. Ini-lock ko na rin ang front gate, pareho kaming babae kaya dapat magi-ingat ako. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Girlfriend? Ako? Pero, napansin ko talaga ang pagiging magka-mukha nilang dalawa ni Stanley, lalo na pagdating sa kulay ng mata, blue. Sumunod na ako at naabutan siyang kasalukuyang naka-upo sa couch habang may naka-paskil na ngiti sa labi. "Ate, bakit ka nga pala umalis sa apartment mo?" Masigla nitong tanong. Napa-iwas ako ng tingin bago iniba ang usapan. "Gusto mo ba ng juice, o tubig? I mean...what do you want to eat, ipaghahanda ko." She pouted bago dumukot sa kaniyang bulsa at inilabas ang mamahaling cellphone. "Kuya Stan is in the hospital right now---" "---Ospital? Si Stanley?" Putol ko sa sasabihin niya. Malungkot siyang tumango bago may kung anong kinalikot sa cellphone niya. Nakaramdam naman ako ng kakaibang takot sa aking dibdib. "Look! It's him." Iniharap niya sa akin ang screen ng phone niya at nakita ko nga si Stanley, he's unconcious on the bed, with bruises over his handsome face, na-guilty agad ako, kung ano-anong naisip ko nitong nakaraang tatlong araw, iyon naman pala nasa ospital siya. Tambak na rin ang mga kailangan niyang pirmahan. "A-anong nangyari sa kaniya?" Mahina kong tanong bago umupo sa upuang katapat niya. "Hindi ko rin alam, basta may tumawag sa akin para sabihing naka-confine daw sa ospital nila si Kuya, two days na siyang nandu'n." Bulong nito bago itago ang cellphone sa bulsa. "G-ganoon ba?" "Sorry ate ha. Sorry kung maiistorbo kita, nito kasing umaga, he said he wants to see you, hindi ka rin daw makita ni Manang Sel sa apartment mo, ipinahanap ka niya kaso ang tagal naman maghanap ng inutusan niya kaya naman nagtanong-tanong ako, tapos ayun nga, someone told me na nandito ka daw, pwede bang sumama ka sa a-akin?" May paga-alinlangan nitong tanong. "S-sinong nagsabi sa'yong nandito ako?" Ulit ko. "Si Doc Klade, iyong doktor ni Kuya, kilala ka niya dahil kaibigan ka daw nang nililigawan niyang nurse...si nurse Jessa ata." She smiled. Napatulala ako bago mabilis na tumango. "Sige, sasama ako!" I immediately stood up and smiled at her. "Magbibihis lang ako, okay? Pwede bang hintayin mo ako. Madali lang 'to, promise." Nakangiti siyang tumango-tango. "Of course, ate." I smiled again before running to my room. It only took me five minutes to change my clothes dahil hindi na ako nag-shower. Inabot ko ang sling bag ko sa gilid ng kama bago binuksan ang cellphone ko, I need to call Jessa. Nang makababa, naabutan kong nakayuko si Haserilla at nang tumikhim ako ay saka lang siya nag-angat ng tingin at humikab. "Sorry about that, Ate. Antok lang ako." Ngumiti lang ako at tumango. "Sakin ka na lang po sumakay, Ate." Dagdag nito. "Ganu'n ba?" "Opo, tsaka baka nagwawala na du'n si Kuya dahil hindi ka pa niya nakikita." Pilya itong ngumiti bago kumapit sa akin. Naiilang ako pero nang makarating kami sa front door ay medyo nabawasan na ang pagkailang ko. "Mauna ka na sa kotse, ila-lock ko pa ito eh." She nodded. Nang mai-lock ay nasulyapan ko pang naka-nguso si Haserilla at nakatingin sa gulong nang sasakyan niya. "Ate, flat po ang gulong." Nagmamaktol nitong saad nang malingunan ako sa likod niya. I chuckled. "We can use my car." "Talaga po? Palpak na naman ang kotse ko, let's go na po?" She giggled. I nodded. Nang mai-lock ang gate, sumakay na ulit ako sa driver's seat at nag-seatbelt. "Ayos ka lang ba diyan?" Untag ko kay Haserilla na naka-nguso pa rin habang nakatingin sa kaniyang cellphone. "Nag-text si Mommy, nagwawala na daw si Kuya." Napakamot ako sa ulo, nang nasa highway na kami ay inabot ko ang cellphone ko sa dashboard at nag-dial. I need to call Jessa. Habang nagri-ring, bumaling ako kay Haserilla. "Saang ospital?" Mahina kong tanong. "Sa Lazaro Medical Center po." I nodded. 'Dun din pala nagta-trabaho si Jessa at dun din kami dinala ni Stanley. Maya-maya ay narinig ko na ang boses ni Jessa sa kabilang linya, ni-loud speaker ko na lang ang tawag at inilapag sa dashboard habang on-going ang tawag. "Maria, everything okay?" Bakas sa boses nito ang paga-alala. "Yeah. I just want to tell you na papunta kami diyan." I answered. Napasinghap siya sa kabilang linya. "Kayo? May kasama ka? Atsaka diba sabi ko sa'yo huwag kang magpapapasok?" I sighed. "Mahabang kwento." I tapped my fingers to the steering wheel. "In-inform lang kita, baka kasi mag-alala ka pa sa akin." I teased. "Talagang maga-alala ako sa'yong bruha ka! Basta kapag nandito na kayo ng kasama mo sa lobby, text me dahil may sasabihin ako." "Ano naman?" "Basta, sige na. I need to write some information about the patients na naka-toka sa akin, bye-bye Maria." Nang mamatay ang tawag ay napalingon ako sa katabi kong naka-pikit bago muling itinuon ang mga mata sa daan. "Hey, Haserilla." Mahina kong tawag. "Hmm." Ungol lang ang sinagot nito bago umayos ng sandal sa headrest ng upuan. I heaved a sigh. Nakatulog na ata. "This is crazy, bakit naman mao-ospital si Stanley?" Bulong ko. Nang malapit na kami sa ospital ay kitang-kita ko ang mga ambulance at police cars sa entrance. Tama nga si Jessa, maraming mga pasyenteng isinusugod. I parked the car and tried to wake Haserilla up. Pero nagda-dalawang isip ako at nahihiya dahil kapatid ito ng boss ko. Pero sa huli, ginising ko pa rin at sabay kaming pumasok. I already texted Jessa pero nag-reply ito na mamaya na daw ang sasabihin niya dahil daw nagagalit na ang head nurse nila. "Saan ba ang room ng Kuya mo?" Untag ko sa katabi ko na kasalukuyang naka-kapit sa braso ko at kitang-kita ko na antok na antok na ito. "Room 308 po. Left wing." Bulong nito. "May sunog pala kaya madaming pasyente ngayon." Dugtong nito. I nodded. "Nandu'n ba si Ma'am Hazel White?" Kinakabahan kong tanong. "Si Mom? Yep, kanina pa siya doon, siya na muna ang nagbabantay kay Kuya dahil nga sinundo kita tapos si Dad naman, ayun, nasa Japan dahil may contract signing daw sila ng mga Japanese investors sa company." Antok nitong sagot. Mas kinabahan ako. "H-hindi ba nakakahiya?" "Nakakahiya? Bakit naman?" I sighed. "Don't mind me. By the way, ayos ka lang ba? Matulog ka na kaya muna, ako na lang ang pupunta sa room ni Sir. I can sense na pagod ka na talaga." Narinig ko siyang mahinang napahagikhik. "Ambait naman ng future sister-in-law ko." bloodsucker_princess
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD