CHAPTER 5

1963 Words
Chapter Five THE WHOLE office went silent when Mr. Alejandro from the marketing department suddenly rushed to me and talked about the folders I sent him the other day, he said it was all a trash, at ako ang gumawa 'nun at pinapirmahan ko lang sa boss namin, but Sir Stanley signed it, why the hell Mr. Alejandro said it was a trash? I sighed, napalingon ako sa opisina ng boss namin, I'm still hesitating on how will I tell him that the reports I made and he signed was a trash. Kung bakit ba kasi hindi ko na iyon na-review ulit eh. Bigla akong napa-ayos ng upo ng biglang bumukas ang opisina niya, he walked out gracefully, not even taking a glance at me, I sighed again. He's cold today, last night kasi pinilit kong umuwi sa apartment at kahit ayaw niya, sinunod ko ang gusto ko. "Sir Stanley!" Tawag ko. Bahala na kung mabulyawan man ako. He coldly glance at me. "What?" Sandali akong natahimik, ginagap ko ang nanginig kong braso dahil sa lamig ng boses at pakikitungo niya. "Mr. Alejandro told me that the folders I sent him was a trash. Sabi po niya, palitan ko at huwag daw po akong uuwi hangga't hindi ko nababago dahil kailangang-kailangan na daw po iyon ngayon, pero paano ko naman po mauulit iyon kung hindi po niya sa akin binalik ang mga folders tapos sabi pa po niya na itinapon na daw po niya iyon." He remained emotionless, he brushed his hair before walking past at me, hindi man lang umimik. "Kainis! Bakit ba ang sungit niya?" I whispered. Inabot ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. It's still an unknown number. Sa inis, nasagot ko ang tawag at kung mamalasin ka nga naman, si Jessa ang tumatawag. Boses palang kilala ko na. "Babaeng 'to! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kahapon at kagabi pa! Porke ba kasama mo ang fafabol na si Mr. Stanley White huh?" Napangiwi ako sa tinis ng boses nito. "Ano ba nanaman mg trip mo at nag-iba ka ng number? Alam mo naman kasing hindi ako sumasagot ng mga unknown numbers." "Bruha ka! Alam ko iyon. Pero kasi...si Doc, binasag ba naman ang phone ko noong nakaraan, kaya ayun, pinilit ko siyang bilhan ako ng bago." Jessa Olivarez Uy is a nurse and one of my friends from the province, at gaya ko, nandito na rin siya sa Manila at nagtatrabaho bilang nurse sa isang malaki at pribadong ospital malapit dito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. "So? Pati ba ang sim card mo nawasak din?" Sarkastiko kong tanong. "Anebe! Hindi, siyempre, but he also bought me a new sim card para daw hindi na ako ma-kontak 'nung lalaking naging pasyente niya." I hissed. "Stop flirting, babaeng 'to. Iyan ang mapapala mo talaga, at bakit ba kayo nagkaka-usap ng lalaking naging pasyente ng Doc mong 'yan, aber?" Nakarinig ako ng dabog sa kabilang linya bago ko marinig ang isang baritonong boses. "Who the f**k is that, Jessa?" A cold voice said from the other line. I heard my friend giggled. "My bestfriend, Doc. Bakit, selos ka po?" The other line became choppy before I heard the line died. Naiinis kong inilapag ang phone sa table at tumitig sa PC sa aking harapan. "How can I be productive today kung lahat na lang puro kamalasan dito sa opisina." Kausap ko sa sarili kong repleksiyon sa PC at wala sa sariling ngumuso. "Here. Palitan mo dahil baka kayong dalawa pa ni Alejandro ang masisante ko." Malamig na saad ni Stanley at inilapag ang mga folders sa table ko. "Hala! Nakuha mo?" "Quit talking. Just do your job as my secretary." Here comes the bipolar Stanley White. Naiiling kong inabot ito at inabala ang sarili sa pagsasa-ayos ng mga kaliit-liitang detalye na baka maging dahilan ng pagkaka-sisante ko. Kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin at patuloy at tahimik na nagtrabaho sa harap ng PC at mga folders. Napasulyap ako sa wrist watch ko at nakitang halos maga-alas kwatro na pala ng hapon. Hindi pa ako nanananghalian, for Pete's sake! Ipinagsawalang-bahala ko na ito at may isa pang folder akong kailang i-revise. At kapag bumaba pa ako para kumain, aabutin ako ng gabi dito. My back is aching too but I managed to get these done and by exactly five thirty, tapos ko na ang lahat. Saka lang ako nag-unat at tumayo. I glanced at the door of Stanley's office, naka-sara pa rin ito, no sign of him. Kapag ganitong maga-alas sais na ng hapon, naga-ayos na siya para maka-uwi ng maaga. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang patuloy na p*******t ng likod ko at dinampot na ang mga katatapos ko lang i-print na papeles na isina-ayos ko. Papapirmahan ko pa ito kay Stanley. Kipkip ang mga bago at revised the documents, I entered his office quietly. Napakunot ang nuo ko ng makitang naka-tulala sa kawalan si Stanley habang gulo-gulo na naman ang red necktie nito. "Sir? Papipirmahan ko po...ulit." Mahina kong saad. I walked towards his table at napakurap-kurap pa siya ng ilang beses bago natuon ang atensiyon sa akin at sa kipkip kong folders. "Is that all?" Paos niyang tanong. Pinaikot-ikot niya ang ballpen sa kamay habang pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Maingat kong inilapag sa harap niya ang folders at ngumiti. "Pwede na po ba akong umuwi, Sir? I mean, I'll work on the powerpoint tomorrow for the meeting next week with our American investors. Parang dumidilim na naman po kasi eh." He sighed. He looked so tired and weary. "Uulan na naman ba?" He sighed again before motioning his right hand at me. "Po?" I asked, confused. "Upo ka muna." He stated. "Naka-uwi ka ba ng maayos kagabi? I told you that you can sleep on my condo, but you insisted." Parang problemadong-problemado niyang saad. Binitiwan niya ang pinaglalaruang ballpen at inabot ang ibinigay kong folders. "Naka-uwi naman po ako ng maayos kagabi, Sir." Mahina kong sagot. Sinilip niya ang mukha ko. "Are you sure? How about your hip? Masakit pa ba?" Umiling-iling ako bago ngumiti ng pilit. "Thank you po sa pagtatanong. I appreciate it, tho." Tumango-tango siya bago muling sumilip sa aking mukha. "Uuwi ka ba sa probinsiya ngayong Pasko?" Napatayo ako. I instantly felt my heart contracted in an unfamiliar fear. "H-hindi po ako uuwi! I mean...I will spend my Christmas here...in the city." My voice weakened. Naramdaman niya siguro ang tensiyon kaya naman tumayo rin siya at lumapit sa akin. "Why?" He whispered. "Are you afraid that I might fire you?" "Huh? Bakit ko naman po iyon iisipin?" "Because of what I said earlier. Sorry about that though." He held my hand and smiled at me genuinely. "Mainit lang kasi ang ulo ko kanina dahil nga biglang nagkaroon ng kaunting problema sa bahay. I mean...Haserilla's boyfriend f****d up." Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit? Ano pong ginawa niya?" "You won't believe it. He just dumped my sister for finding out that...she can't bear a child. I mean...women's responsibility is to give their husbands a child. But that was not a proper solution!" He spatted angrily bago alisin ang hawak sa kamay ko. Napabuntung-hininga ako. "Sorry about that, Sir." Nakayuko kong saad. Nagpapalatak siyang bumalik sa kaniyang swivel chair at muling pinaglaruan ang ballpen sa kamay niya. "Pwede bang iwan mo muna ako, Maria? Mauna ka ng umuwi, idadaan ko na lang ito sa marketing department mamaya, might as well fire the head of that floor." Matigas nitong saad. "Po? Fire? Sino? Si Mr. Alejandro?" "Yeah. No one has the rights to disrepect my secretary. Sige na, umuwi ka na. Iissue-han ko na ng termination letter ang gagong 'yun." Umatras ako ng tatlong beses bago umalis. Hindi na ako nag-ayos ng sarili dahil ramdam ko na talaga ang gutom. Dinampot ko na lang ang bag at cellphone ko sa lamesa ko at pinatay ang PC bago naglakad papasok ng elevator. Mag-isa lang ako sa loob at mabuti na rin ito para makapag-relax dahil nananakit pa rin ang likod ko. The elevator opened and I walked out heading to the parking lot. Papalapit palang ako sa aking sasakyan ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ng bag ko at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang caller. "Hello?" "Bruha! Andito ako ngayon sa harap ng building ninyo. Ayaw akong papasukin ng guard, biruin mo, kanina pa ako dito!" Hinihingal nitong saad sa kabilang linya. "Ewan ko sa'yo. Oo na, pupuntahan na kita diyan. Dala mo ba ang kotse mo?" "No." I heard her took a deep breath from the other line. "Nagpahatid lang ako kay Doc dito sa harap, I told him I'm meeting you." "Kalandian mong babae ka!" I hissed. Pinatunog ko ang kotse at in-unlock. I placed my bag on the driver's seat before locking it again habang nasa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone. "Hoy! Hindi ah. Dalian mo dahil at exactly seven daw, susunduin na ako ni Doc. Kain muna tayo." Kumunot ang nuo ko bago humakbang palabas ng parking lot at tinahak ang daan palabas. "Bakit? Kapatid ka ba niya para sunduin pa?" "Panira ka talaga ng trip, Maria! Kasi nga, curfew ko daw iyon tapos may operasyon pa kami bukas." Naiinis nitong saad. Biglang tumunog ang tiyan ko. Inalis ko sa pagkaka-ipit ang cellphone ko at hinawakan ang tumunog na tiyan. Gutom na talaga ako. "Operasyon? Baka ibang operasyon na iyan, Jessa ha?" I teased. She growl on the other line before dropping the call off. Natatawa akong lumiko, but because of me being unlucky, may nakabungguan pa akong lalaki. "Hala! Sorry po!" Yumuko ako para silipin ang mukha ng naka-itim na lalaki pero bigo ako dahil natatakpan ito ng makapal na itim ding sombrero. "It's fine." The man said. Bigla akong nakaramdam ng takot sa tapang at laki ng boses nito. Luminga ako sa paligid at tanging kami lang ang nataong tao sa naturang lugar. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pangamba. "Sorry po talaga. Una na ako!" Tumalilis na ako ng takbo paalis sa harap ng lalaki. The memory from the last two months were slowly coming back to me, the k********g, the man who's giving me threaths, the nightmares. My heart is beating hard and fast when I finally saw the entrance. Naghahabol din ako ng hininga nang tumigil ako sa pagtakbo. "Ma'am!" Sumaludo sa akin ang dalawang guard na kasalukuyang on-duty. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid at hinanap si Jessa. "Bruha!" I automatically glanced at the woman in a red dress beside the information desk. It's Jessa. Naglakad ito palapit sa akin. "Hi, Maria!" Nagbeso-beso kami bago niya ako igiya sa isang tabi na malayo sa dalawang guards. "Naku, alam mo bang ayaw akong papasukin ng dalawang 'yan." Bulong nito sa akin saka pasimpleng itinuro ang gawi ng mga guards. "Nagi-ingat lang. Mukha ka raw kasing terorista." Banat ko kasabay nang pagkurot ko sa tagiliran nito. "Aww." Sinamaan ako nito ng tingin. "Bruhang 'to. Sa ganda kong ito, terorista? Isusumbong ko sila kay Doc." Nguso nito. Inambahan ko ito ng batok pero mabilis itong naka-atras. "Siyanga pala, bakit hingal na hingal ka? And I even saw you running like there's someone following you." May taka at pangamba sa boses nito. "Tell me honestly, may humahabol ba sa'yo? O may nakita kang nag-trigger ng takot sa'yo?" I sighed. "There's a man. He's wearing black all over and a cap, it's color black too, I don't know but it's a normal thing for those who loves black...but for me...that man--" My words halted when she suddenly zipped my mouth with her palm. "Sshh. Pag-usapan natin iyan sa tahimik at sa ligtas na lugar. We'll go to your apartment, makikitulog na rin ako, you're making me worried over you, Maria." I smiled despite the fast and hard beating of my heart inside my chest. "Thank you, thank you Jessa. I owe you a lot, from the very start." She giggled. "That was friends are for, Maria. Let's go?" "How about....iyong Doktor?" "Naku! Hayaan mo na iyon, I'll just call him. Mas mahalaga ng kaibigan ko." She said and clung her arms to mine. "Order na lang tayo? Or let's cook together?" "Of course, let's cook together! Friends before boys..." "...because boys bring babies." We smiled at each other, I'm happy I do have friend like her, a true friend. bloodsucker_princess
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD