"Neri!"
Nasa labas na ako, sa parking lot. Hinihintay ko si kuya na sunduin ako. I saw Cedrick walk near me. Dala-dala niya ang iilang pirasong bondpaper sa kaliwa niyang kamay at susi naman ang nasa kanan.
"Nandito na ba lahat?" I ask him.
He looked at me as if pinag-aaralan niya ako. "Is everything okay?" He ask, still giving me that look.
"Oo naman." Nginitan ko siya sabay tingin ulit sa mga dumadaang sasakyan.
Ang tagal na naman ulit ni Nuk Adrian, ano na naman kaya pinagagawa nun sa buhay.
"Saan ba ang sa inyo, hatid na kita." Untag niya, gulat naman akong tumingin sa kaniya.
"Naku, huwag na!" I immediately said no.
"Susunduin naman ako ni kuya, kaya okay lang." I smiled to let him know I am okay.
My heart is happy that I got this closeness with him. Na isang dipa lang ang layo naming dalawa at pwedeng-pwede ko siyang hawakan ngayon na mismo.
"Hintayin nalang natin, malapit na ba?" He also look the cars that passed by.
Nagulat na naman ako. Ganito ba talaga siya? He is friendly, I know. Pero happy crush lang kasi kaya hindi dapat ganito kasaya ang puso ko.
Nag-text na ako kanina kay kuya na nasa labas na ako at naghihintay. I just hope he saw my message or else maghihintay na naman ako ng ilang oras, nakakainis. Umaambon pa naman.
"Mauna kana Cedrick, baka mamaya pa 'yun e." Wala sa sarili kong sagot.
"What did you just call me?" Bumaling ako sa kaniya ng may pagtataka.
"Ha?"
"You call me Cedrick." Seryoso niyang wika kaya napanganga ako.
Susmaryosep naman Neri!
"I-I'm sorry..." Mahina kong wika pero rinig niya naman siguro 'yun.
Nakakahiya!
"No, it's okay." Ngumiti siya pero umiwas kaagad ako ng tingin dahil nahihiya ako.
Nag-ring ang cellphone ko kaya kaagad ko itong sinagot para maiwasan ang titig sa akin ni Cedrick.
"Kuya? Sa'an ka na ba kasi?" Naiinis na wika ko.
"Hindi kita masusundo, nasa site ako kasama si papa. Mag-commute kanalang. Marunong ka naman 'di ba?" Mas lalo akong napanguso.
Ayaw kong mag-trycle, hindi naman sa OA ako pero natatakot kasi ako lalo pa at subdivision ang sa amin, tapos madalas hanggang sa may gate ng entrance lang ako binababa dahil hindi na sila pinapapasok sa loob. Maglalakad na naman ako, ayoko nun!
"Sunduin mo nalang kasi ako." Pagpapadyak ko. Kakainis e!
"Neri Abigail, nasa site nga ako. Mamaya pa kaming 7 uuwi ni papa." Malapit na akong umiyak dahil sa frustration.
Bakit ba kasi nandiyan siya sa site!
"Ewan ko sa'yo!" Padabog ko siyang binabaan ng telepono.
Nakalimutan ko at nasa malapit lang pala si Cedrick kaya ng nilingon ko siya ay may mapanukso na siyang ngiti na nakapaskil. Nahihiya ko naman siyang inirapan.
"That was your brother?" He looked at the phone in my hand and I nodded.
Naglakad ako paalis ng parking, lalabas nalang ako para maghanap ng pedicab. Sana pala nakisabay nalang ako kina Mice kanina pauwi, kung alam ko lang na hindi ako susunduin ng abnoy kong kapatid.
"Neri, where are you going?" Hindi ko alam na sumusunod pala siya sa akin.
"Maghahanap ng pedicab, nakakainis kasi." Sagot ko na mas binilisan pa ang lakad.
"Ihahatid na nga kita." Napatigil naman ako at tiningnan siya.
Well, wala munang hiya-hiya siguro. I hate commuting, I'm sure matagal pa na may pedicab na bakante lalo pa at uwian na rin ngayon. Siksikan na masyado tapos kailangan mo pang magpatentero para makasakay kaagad. Ayaw ko pa naman din makipag-agawan.
"Sigurado ka? Nakakahiya kasi,"
"Nah. It's my duty to safeguard my partner, hindi pa man din tayo nakaka-report." Tawa niyang sabi sabay kuha ng bag ko.
I'm astonished. Wow, makiki-rides lang naman ako tapos may pakuha pa ng bag? Ang swerte ko naman yata. I look around, thinking someone might see us at mabuti nalang wala na masyadong estudyante dahil malapit na rin namang mag-six.
"Is it okay if you sit in front?" I abruptly nodded.
Binuksan naman niya ako ng pintuan kaya mas lalong lumakas ang kalabog ng puso ko. Never in my wildest dream that I will ride on his car. Raptor ito na kulay black, masyadong mataas for me na 5'3 lang ang height kaya hinawakan niya ako sa bewang to support. Feel ko napaka-blessed kong tao ngayon. Imagine, nakakausap ko ang crush ko, ka partner ko pa sa activity, kinuha niya pa ang bag ko para siya ang magdala, siya ang bumili ng lunch ko kanina and he choose a drink for me. Swerte.
Ito na ba ang tinatawag nilang the table is now turning? Chariz lang. Happy crush lang dapat Neri, wala na dapat iba. Don't expect anything, may nililigawan na 'yan.
"Comfortable?" He ask when I already done with buckling my seatbelt.
"Thanks talaga Glen, a." I said before looking at him. Gwapo e.
"Hindi pa nga kita nauuwi sa inyo at saka nasaan na si Cedrick?"
"Ha?" Umiling siya sabay ngiti.
He started to maneuver the car and I don't know but it feels like I am in a cloud nine.
"Saan nga ang sa inyo Bi?" Napa-ha naman ako sa huling dalawang word na sinabi niya.
Natawa siya ng hindi ako sumagot at mariin lang siya tiningnan. "Bi, short for Abigail." Oh, okay?
"Uh, sa Carminvielle subdivision." I muttered.
Lord. Please don't make him like this. Happy crush lang po dapat.
"Hindi ba out of the way pauwi sa inyo?" I ask him curiously dahil hindi ko naman alam ang sakanila at baka pa ibang way ang sa amin.
"No, it's okay. Sa San Juan ang amin." Tiningnan ko naman siya ng nakanganga dahil nasa ibang lane 'yon!
"Bakit hinatid mo pa ako? Babalik kana naman ng school niyan?" He chucked before nodding.
Pa south kasi 'yun e! Nasa south ang sakanila tapos pa north itong sa amin. Apakalayo!
"Your cute, okay nga lang." Natatawa niyang wika pero hindi ko nalang siya tiningnan.
Nasa may seaside na kami, dahil nasa right side ako sa tuwing napapadaan ang tingin ko sa dagat nakikita ko ang mukha niya. He don't have any pimples, sobrang flawless ng mukha. Ako nga may tigyawat sa noo, kakapanood ko ito ng netflix tapos matagal matulog. Bagay na bagay nga sa kaniya ang uniform namin na brown and black, may t-shirt kasi sa ilalim na puti at pinatungan lang ng brown na shirt din black pants sa amin naman black skirt.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Sinulyapan niya ako kaya agad akong napaiwas ng tingin.
Kakahiya ka Neri! Baka akala niya kung ano.
"No, I was watching the sea." Half-meant.
Totoo naman kasing tinitingnan ko ang dagat. Pero mas lumalamang talaga ang pagtingin ko sa mukha niya, naku!
"You want to stop by?"
"Ha? Huwag na. Uuwi ka pa sa inyo, malayo kaya ang San Juan." I stated before looking in front of the street.
Gusto ko sanang tumambay muna sa tabi ng daan, marami din kasing nagtitinda ng mga streetfood sa mga oras na ito. Pero malayo pa ang sakanila at magd-drive pa siya pauwi.
"Let's stop for a while, okay lang ba?" Okay lang sa akin dahil gusto ko naman pero baka gabihin siya.
"Gagabihin ka niyan." Itinigil niya ang sasakyan sa gilid.
Dahil malapit na ang summer medyo papalubog pa lang ang araw, umaambon man kanina pero kitang-kita patin ang nagtatalong liwanag at dilim. The view is picturesque, it is very enchanting for the eyes of the viewers. I saw few people sitting on the bricks of the lane kaya agad akong bumaba ng sasakyan.
May malapit sa amin na nagtitinda ng mga ihaw-ihaw kaya doon kaagad ako pumunta. Nakasunod naman sa akin si Cedrick. Favorite ko ang pork barbeque kaya nag-order ako ng tig sasampu.
"Ang dami naman nun," mahinang natawa si Cedrick pero inilingan ko lang siya.
"Kumakain ba n'yan?" Baka kasi sensitive siya sa streetfoods e.
"Oo naman." Sagot niya. "May balut kayo 'te?" Lumapit siya sa tindera para magtanong and I saw how his eyes glistened when he saw the pile of Balut.
Kumuha siya ng dalawa pero umiling ako. Hindi kaya ng sikmura ko na kumain niyan. Hindi sa pagiging OA pero hindi ko talaga kaya especially seeing a chicken fetus. No, I can't.
"Ayaw mo sa balut?" Naglakad kami papunta doon sa may bricks.
"Naawa akong kainin ang fetus ng chicken." Sagot ko na ikinatuwa naman niya.
"No way?" I nodded seriously making him groan until it roared into a laughter.
Wow, nakakatawa pala ang sinabi ko? Pero bakit ang gwapo-gwapo niya kapag nakatawa? Bakit parang nagsiliparan na naman ang mga paro-paro sa tiyan ko? May mahika ba itong si Cedrick at napapatigil niya ang mundo ko?
"Wow, that was an awesome fun fact." He is still laughing, I snorted.
Mas lumalamang na ang dilim dahil nasa past six na. Hindi pa naman ako tinatawagan sa bahay, I'm sure nasa caffee pa ngayon si mama at seven pa naman uuwi sila papa. Ewan ko nalang kay Cedrick at baka hinahanap na siya sakanila.
"Gumagabi na, baka hinahanap ka na ngayon sa inyo?" I ask him pero nakatingin lang siya sa malayo.
Ang swerte siguro ng mamahalin nitong babae nu? Hindi ko lang naman siya naging happy crush dahil gwapo siya but I saw good characteristics on him. He always gave our classmates things at mabait din siya.
"Gusto mo nabang umuwi?"
"Hindi pa naman, pero baka ikaw? Baka kasi hinahanap kana." I said before standing para kunin ang pinaluto kong barbeque.
Inabot ko naman sa kaniya ang isang stick at hawak-hawak ng isa kong kamay ang iba pa.
"Akin na..." Kinuha niya sa akin kaya binigay ko nalang. "Ang liit-liit ng kamay mo, mahirapan ka pang kumain."
"Hoy, baka nag-aalala na parents mo." Untag ko ulit dahil hindi niya naman ako sinasagot.
"It's okay. Let me have this peace for awhile." He seriously muttered.
"Kumain ka pa. Libre ko lahat pa thank you sa paghatid sa akin." Kinuha ko ang isang stick sa kamay niya.
"E, hindi ka pa nga nakakauwi sa inyo. Hinahanap ka na ba?" He aks while chewing.
I shook my head, wala pa namang text si mama baka siguro hindi alam nun na hindi ako sinundo ni kuya.
"Hindi pa, pero uuwi na tayo after nito ha?" I said seriously. Okay lang sa akin na gabihin masyado, I will just text mama na kasama ko si Cedrick.
For sure, papayag naman 'yun pero baka siya naman ang pagalitan sakanila dahil gabi na. Kanina pa kayang five ang uwian namin tapos 6:30 na ngayon.
We decided to drive again when the time hits seven pm. Kinukulit ko na siyang umuwi at ihatid na ako hindi dahil nag-aalala akong pagalitan ako pero dahil nag-aalala ako na uuwi pa siya sakanila at magd-drive pa. The whole universe was already eaten by darkness na mas lalo namang nagpaganda sa dagat dahil kitang-kita namin ang kabilang syudad na punong-puno ng mga ilaw na parang mga bituin sa kalangitan.
Pinapasok ko siya sa loob ng subdivision, sinabi ko lang sa guard na kilala ko at nag-iwan naman siya ng ID. Hindi pa man kami nakakarating sa mismong bahay ko, I already saw my parents waiting in front of the gate. Napairap naman ako sa hangin.
"Parents mo?" I nodded. "They are waiting, mukhang kanina pa." Mukhang kinabahan naman si Cedrick.
We stopped in front of my parents and I saw how my mom brows knit up at kumunot naman ang noo ni papa. I texted kuya kaya kanina na ihahatid ako ni Cedrick para hindi na sila mag-alala.
"Bakit ngayon ka lang Neri Abigail?" Matigas na sabi ni papa ng makababa ako ng sasakyan.
Iirapan ko sana siya ng mabilis na nagmano si Cedrick sa mga magulang ko.
"I am very sorry for bringing Neri this late sir." Si Cedrick na ang sumagot sa papa ko.
Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi. Kinurot naman niya ako ng bahagya tapos bumulong pa.
"Nag-date ba kayo ng crushie cakes mo?"
"Ma, huwag ka ngang maingay. Hindi date 'yun nu." Inirapan ko siya.
"We will have our dinner, dito ka nalang kumain—Glen, right?" Lumapit si mama sakanila.
Kilala niya paano ba naman laging kini-kwento ni Kuya ang red hair daw na crush ko.
"Ma, gabi na baka hinahanap na siya sakanila." Pinigilan ko na sila mama.
Mapilit pa naman iyang si mareng Nerissa at baka mapilitan pa si Cedrick na magtagal sa amin.
"Okay lang po ba?" Cedrick ask kaya dumapo kaagad sa kaniya ang tingin ko.
Uuwi na e!
"Naku! Sobrang okay, para na rin makilala namin itong kaibigan ni Neri." Ngiting-ngiti na sabi ni mama at nauna ng pumasok sa loob.