Chapter 2

2043 Words
"Neri, sandali!" Tawag sa akin ng kung sino, nakatalikod kasi ako. "Uy, Dwayne." Wika ko ng humarap ako at nakita ko siya. Hinihingal pa siya. "Sinabi ni Glen na sabay daw kami sa interview ninyo, okay lang ba sa'yo?" Tanong niya. Wala namang problema sa akin 'yun dahil handa naman akong tumulong kapag nahirapan sila. "Oo naman," seryoso kong sagot sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango. "Salamat, sabay na tayong pumasok sa room." Tumango ako at naglakad na kami papasok sa eskwelahan. Tiningnan ko muna ang parking area dahil baka hindi pa umaalis ang kapatid ko. Minsan hindi ko rin kasi alam ang trip niya dahil magpa-park pa siya ng mga kalahating oras sa parking lot ng school—nalaman ko lang ito ng may naiwan ako sa kotse at papabalikin sana siya sa school ng nakita kong nandoon pa rin ang sasakyan. Ang hirap kasi talagang espilingin ni Nuk Adrian e. "May hinihintay ka pa?" Tanong sa akin ni Dwayne na makita niya akong tumitingin sa likuran at parang may sinisilip. Umiling ako, "wala, baka kasi nandiyan pa ang kapatid kong asungot e." Sabi ko nalang at naglakad na ulit kami. "Si Nuk?" I nodded. Kilala naman talaga ang kuya ko dahil madalas din iyong pakawala lalo na kapag may liga sa kung saan-saang barangay malapit sa amin. Dito din kasi 'yon nag-aral ng highschool. "Oo, hinatid ako. Baka kasi ano na naman ang trip nun e." Hindi ko talaga gets minsan–madalas ang kapatid ko. Apaka weird. "Baka may pinupormahan dito." Natatawang wika ni Dwayne, kumunot naman ang noo ko. Pormahan? Hindi nga nun maporhaman si ate Aliana e. Baka talaga binabantayan na naman ako nun dahil ganyan na ganyan ang trip niya ng nag-college siya sa Maynila. Makikita ko nalang siya sa parking lot ng school kahit ang alam namin nasa Maynila naman siya. Ambot lang gyud! "Nga pala, may naisulat na kayong mga possible questions? Para madali nalang." I face Dwayne, he shyly shook his head. "Wala pa talaga kahit isa Neri." Nahihiya itong umiling. "Okay lang, we will figure it out later." I smile. Dumating kami sa room dahil maaga pa naman ay wala pa masyadong tao. Si Lisha lang at Miyuki ang nandodoon at iyong mga kaklase naming lalaki na nakalimutan ko na ang pangalan. "Good morning, Neri." Binati ako ni Lisha sabay punta sa upuan ko. Pinatong ko naman kaagad ang bag ko sa upuan at nilabas ang notebook for our first subject. "Morning Lish. Sila Mice, wala pa?" Tanong ko sa kaniya, umiling naman siya bilang sagot. "Late na naman ang bestie mo, for sure." Natawa nalang ako sa sinabi ni Lisha dahil kahit kailan si Mice hindi na nagbago. "Oo nga pala, may na-interview na kayo?" Umiling ako. "Kayo ba, meron na?" Sumimangot naman siya at umiling. "Baka sa Monday nalang kami, wala pa kaming concrete plan ni Mice e." Tumango ako bago ko binuksan ang libro na nasa harapan ko. "Ngayon namin balak gawin ang interview, baka gusto ninyong sumama?" I ask her, still my attention is on the book. Kagabi ko pa sana itong gustong tapusin e pero inaantok na ako kaya ngayon nalang. Maaga pa naman. "We would want to pero dahil chance muna kay crushie mo, no-no muna kami eeksina." Sinimangutan ko naman siya. "Hindi naman kasi, kasama din namin sila Dwayne dahil papatulong din sila." I told her. At saka mas okay na rin 'yun na may iba kaming kasama dahil it would be akcward for me na kami lang dalawa ni Cedrick. "Bakit sila eepal?!" Malakas na boses ni Lisha kaya agad ko siyang pinlakihan ng mata. Dwayne is just in the corner. Baka marinig pa kami. "Huwag ka ngang maingay." Kinurot ko siya pero mahina lang naman. "Hoy, Neri Abigail chance mo na ito. Bakit mo sila isasama?" Naiinis nitong sigaw pero mahina nalang. "It is for the grades, and they ask for my help. Bakit naman hindi?" I quered back. "Hay, ewan ko sa'yo. Kung matalino lang talaga ako." Bulong-bulong niya sa sarili. "O, siya sasama nalang din kami ni Mice." Inirapan niya ako at bumalik na sa upuan ng nagsimula ng dumating ang iba pa naming mga kaklase. Malapit na rin naman kasing mag-aalas otso ng umaga. Kararating lang din ni Cedrick na may hawak-hawak na naman ng bola ng basketball kahit umagang-umaga. Sabay-sabay kami nila Cedrick na mag-lunch sa canteen dahil nagmamadali kaming kumain at magi-interview pa kami. Tinago ko lang ang kilig ng magkalapit ang upuan namin ni Cedrick. Hindi ako pwedeng mamula dahil maraming tao baka ano pa ang isipin. "Neri, ano ang order mo?" Tanong Cedrick sa akin. Kita ko naman na nagkurutan sila Mice and Lish. Kinikilig din naman ako dahil ito ang pangalawang beses na binigkas ng magaganda niyang labi ang pangalan ko. "Ako na lang ang oorder para sa sarili ko." Nahihiya kong ngiti sa kaniya. As much as I want him to order for me ay ayaw ko namang gawin iyon. "No, I insist. Kami nalang ng boys ang pipila para sa inyo para mas madali." Tinaasan naman ako ng kilay ng dalawa kong kaibigan kaya umuo nalang ako. "Rice at saka fried chicken nalang." I told him, he nodded in response. "Ako na ba bahala sa drink?" Nagulat naman ako sa tanong niya pero malakas naman sumagot si Mice ng oo. "Ikaw na bahala Glen, umiinom naman ng kahit na ano si Neri e." Mice smiled meaningfully while looking at me. "Wala ba'ng may crush sa inyo sa utol namin?" Ngiti-ngiting tanong ni Loui—pinakilala rin kasi siya sa amin nina Cedrick kanina at nasa ABM strand siya. "Kay Dwayne ba? Mukha naman siyang walang ligo everyday kaya wala." Seryosong wika ni Mice kaya tinapunan ko siya kaagad ng masamang tingin. Malakas namang natawa si Cristian na katabi ni Loui. "Putcha! Sinasabi ko na nga ba." Ang lakas ng tawa ni Cristian kaya pinagtinginan na kabi ng ibang table. Kanina pa rin naman sila nakatingin sa amin lalo pa at nasa table namin ang mga crush nila. Gwapo rin kasi itong mga kaibigan ni Cedrick at halatang mayayaman lalo na din itong si Loui. "What I mean is kay Glen. I'm sure may gusto rin kayo sa kaniya." My girl friends look at me knowingly kaya pinandilatan ko sila ng mata. Malaman pa ng mga kaibigan ni Cedrick na may gusto ako sa kaniya, nakakahiya. Hindi na sila nakasagot pa dahil dumating na sila Dwayne at Cedrick na dala-dala ang pagkain namin. Hawak ni Cedrick ang plato na may kanin at fried chicken for sure para sakin 'yun, at sa isa naman niyang kamay ay ang adobo at kanin. He likes eating adobo din pala. Natutuwa ako sa nakita, next week sasabihin ko kay mommy na magluto ng adobo para sa kaniya. Wala naman sigurong masama doon nu? "Adobo ba ang paborito mo Glen?" Lisha ask, and I'm thankful she ask that. Nakakahiya naman kasing ako ang magtanong sa kaniya at baka ano pa ang isipin nila. Hindi niya pwedeng malaman na crush ko siya dahil happy crush lang naman. Nagsiupuan na rin sila at bumalik si Glen katabi ko. Amoy ko ang pabango niya, it's addicting. "Yes." Wow, same kami ng paborito. "Favorite din 'yan ni Neri." Kwento ni Mice kaya napatingin sa akin si Cedrick. "You like it too?" He look at me and because I am too shy to answer with words, I just nodded. "May nagpapatanong pala sa TVL kung may syota kana ba daw Neri?" Loui spoke again and everyone's attention is on me. Sino naman kaya 'yun? Wala naman akong kilala sa strand na 'yun. I just know some faces but not the names. Maiingay kasi sila tapos sobrang friendly "Sino sa mga 'yun?" Cedrick interrupted. Nakakunot ang kaniyang noo kaya nakita ko na naman ang ngisi ng mga kaibigan ko pero hindi ko nalang din pinansin. "Naalala mo 'yung si Erkan? Nakalaro natin 'yun sa basketball minsan." Kwento ni Loui pero seryoso lang din si Cedrick "I know him. Basagulero." Ang mga lalaking kaibigan niya ay bumulaghit ng tawa. "Huwag kana doon Neri, ang daming babae ng lalaking 'yun." Dagdag pa na sabi ni Cedrick. Okay? Wala rin naman akong balak mag-jowa nu dahil wala pang girlfriend ang kuya ko. Kawawa naman 'yun pag naunahan ko. "Sabihin mo single si Neri, marami din kasing babae ang crush niyan." Natatawang wika ni Mice sakanila kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Uy, may crush ka na pala Neri? Sino?" Sumabay na din si Dwayne. Ewan ko sakanila! "Bilisan na natin dahil malapit ng mag-one. May klase na naman." Inalis ko ang tingin sakanila para matahimik na kami. Ako pa ang center ng kwentuhan, e. Baka madala pa ang mga kaibigan ko at masabi pa na si Cedrick ang gusto ko e may nililigawan na siya na ate ni Miyuki kaya nakakahiya 'yun. Nagsurvey kami sa mga schoolmates namin from different strand. Para mas mapadali by partners nalang din ulit kami tapos binigyan ko nalang ang grupo nila Dwayne at Mice ng possible questions na itatanong nila. "Sa TVL muna kayo Glen, doon nalang kami sa STEM." wika ni Mice at nauna na silang umalis sa amin. He look so serious kaya kinabahan naman ako. "Don't talk to anyone, ako na ang bahalang magtanong. Just write notes for their answers." He said firmly na nagpatango sa akin. Nakakatakot naman siya pag-seryoso kaya agad kong ibinigay sa kaniya ang mga naisulat kona na mga questions. Nauna siyang maglakad at dahil nasa second floor ang building ng TVL umakyat kami. Everybody's eyes are on us, especially girls who likes him. "Sumunod ka lang Neri, huwag mo ng kausapin ang mga lalaki dun." "Nakakabastos naman 'yun kapag kinausap ako tapos hindi ko sila sinagot." Sagot ko sakaniya. Girls keep on saying hi to Glen pero hindi naman sila pinapansin ni Cedrick. Dumating na kami sa second floor, Cedrick's head held high, his attention was so focus para puntahan ang first room. Dahil lunch time pa naman nandidito pa ang lahat at sobrang ingay. Cookery yata itong napuntahan namin at nagulat ako ng may tumawag sa akin. "Nandito pala crush ni Erkan, e." Sabi ng lalaki na nasa pintuan. Tiningnan naman nila kami lalo na 'yung mga babaeng kaklase nila, malamang dahil kay Cedrick. "Hi Neri." May lumapit sa akin na babae, nginitian ko naman siya dahil hindi ko siya kilala. "Si Erkan ba hinahanap mo?" Tanong niya sa akin kaya gulat ko siyang tiningnan. Bakit naman nila iisipin na pinuntahan ko ang Erkan na 'yun? Hindi ko naman siya kilala. "We are not here for him. We need to conduct an interview with anyone of you, max of ten person per room. If you are available you can answer this question." Binigyan siya ni Cedrick ng questionnaire. Good that I wrote it on a bondpaper. "If it is not too much can you write on the board so that everyone can see it, we will collect your answers after class." Napa-ha naman ako sa sinabi ni Cedrick dahil hindi naman yata ang napag-usapan namin. "Nakakahiya naman yata na gawin natin 'yun." I told him ng bumaba na kami para bumalik sa room namin. He just shook his head at kinunot ang noo. "No, mas okay na 'yun para mapadali tayo." Nauna na kaming bumalik sa mga kasamahan namin sa room, nahihiya ako dahil talagang sinabi 'yun ni Cedrick sa babae. It is our task kaya tapos pinagawa niya lang sa iba. "Wait for me after class hours Neri, pupuntahan ko ang mga binilin nating questionnaires." Tinanguan ko lang siya tapos bumalik na ako sa upuan ko. Marami-rami na rin kami sa room dahil malapit na namang mag-one. Nahihiya ako sa binilinan ni Cedrick ng questionnaire namin. I saw Dwayne and Mice coming in the room with sweat in their forehead. "Ang bilis niyo naman?" Malakas na napaupo si Mice sa tabi ko. Umiling lang ako sa kaniya tapos tiningnan ko si Cedrick sa likuran. Naiinis ako sa kaniya, hindi porque gusto na siya ng mga babae ay gagamitin na niya ang mga ito para sa gusto niya. I will love to do things for Cedrick and if I will really do it, maiinis ako sa sarili ko. "Social skills." I answered her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD