Chapter 41 Last day of school for the week at bukas kaarawan na ni Shawn. Natapos ko na kagabi ang tinahi ko na hoodie nag patulong ako kay Shara kagabi. Jusmeyo, naubos ang allowance ko sa pag bili ng mamahaling tela para doon, galing pa iyon sa fuegos. Automatikong iinit ang tela kapag nilalamigan ang may suot nito. “Gag* si super blue ang makakatalo sa kalaban.” sinagi ko si Airus, nakikipag talo kasi siya sa akin. “Bulok 'yang super blue mo si super pink ang bet ko, ang sexy kasi.” tinulak niya naman ako. Agh! Kainis! Si Super blue ang crush ko eh, dapat siya ang mag save ng day. Nagtulakan kami sa hallway na parang mga timang. Nag-aaway kami ngayon dahil sa isang sikat na movie. Malakas ako kaya, sinakal ko si Airus gamit ang braso ko. Tawang-tawa ako habang nauubusan siya ng hang

