Chapter 40 “Pasensya na 'po,” sabay sabi ng dalawang common mage na nahuli kong nag cu-cutting class. Gawain ko iyan noon kaya palalampasin ko na lang sila ngayon. “Sige...Sige, hindi ko na kayo bibigyan ng disciplinary card...” Ngumisi ang dalawa sa akin, nakapamewang ako ngayon sa harap nila. I pointed them my finger. “Pero bawal na kayong mag skip ng class ulit, kung hindi ay lagot na talaga kayo sa akin, naintindihan niyo?” “Opo! Ms. Gardenia ang bait niyo 'po...” masayang umalis ang dalawang estudyante. Ang bait ko talagang prefect hehe. Nalingon ko ang nilalang na tumapik sa balikat ko. Oh my gosh! Barbie doll! Este, ang cute ng babaeng ito. Hanggang balikat ko ang tangkad niya, may mahabang asul na buhok, maliit na mukha na nababagay sa cute na ilong at pinkish lips niya. Ma

