Umagaw ng maraming atensyon ang sigaw ng ale kasama na doon ang atensyon ng mga guwardiyang naka-stand by sa malapit. I heard Nemesis clicked his tongue, ikinubli ko ang ulo ko gamit ang hood ng cloak. “Anong kaguluhan ito?” baritonong tanong ng guwardiya nang makalapit sila. Kapwa kami ni Nemesis na hindi kumilos. Marahas akong itinuro ko ng ale. “Siya ang babae sa wanted poster.” Kinabig ako ng isang guwardiya para makaharap ako sa kanya. Kinuha niya ang poster na nakadikit sa stall ng ale at kinumpara ang hitsura ko na nasa larawan. “Nagkakamali ka yata ale, kulay ginto ang buhok at kulay violet ang mga mata ng babae ayon dito sa nilalarawan sa poster, at isa pa walang nunal na malaki sa ilong ang babae na wanted.” “Hindi ako nagkakamali!” lumapit sa akin ang Ale at pinaharap ak

