Third person POV A girl with soft, silver-coloured hair landed on the ground. Naka-agaw sa kan'yang atensyon ang isang kulay pulang bulaklak na gagamitin niya sa pag-gawa ng gamot. Ilang oras na rin siya naghahanap sa mga sangkap na gagamitin niya. Nag punas siya ng pawis bago niya isinilid ang mga bulaklak sa kanyang bag. “Ateeeeeee!” mula sa malayo ay abot rinig niya ang nakakabulahaw na boses ng kanyang kapatid na si Jasper. Agad siya lumipad at sinalubong ang tumatakbong kapatid. Nakapamewang siya huminto sa ere at tinignan ng masama ang kanyang nakakabatang kapatid. “Saan ka na naman ba nag pupunta, bata ka?” tanong niya sa kanyang kapatid. “Uhm.” napakamot ng ulo ang kanyang kapatid. “WOAH! OH, IT'S TRUE YOU CAN ACTUALLY FLY!” sigaw ng isang babae. Napalingon siya sa kanyan

